GMAMR Chapter 14

23 6 2
                                    


Kinabukasan ay dinalaw namin nila Gab at Nica si Keoh, Nakakapagtaka dahil hindi pa dumadating si Monica. Pero masaya na ako ng may nagbigay ng dugo para kay keoh. Habang nililibang nila Gab at Nica si Keoh ay nag ayos muna ako ng mga gamit dito. May pasok pa si Sam at magtuturo pa si Alex dadaan nalang daw si alex mamaya pag katapos ng klase. Napatigil ako sa pag aayos ng may makita akong sulat. Nagdadalawang isip ako kung bubuksan ko ito pero may nagtulak saakin para buksan ang letter na ito.

Axell, una sa lahat sorry....kasi ginamit ko si keoh para mapasaakin ka. Hindi ko gusto na saktan o sirain ang relasyon niyo ni Ivy dati. Lalayo na ako sainyo nakakahiya na rin na maging pabigat ako sa inyo nila Ate mo. Ibibigay ko na si keoh sayo, kasi alam ko na mapapalaki mo siya ng maayos. Masakit na iwan ko ang anak ko sayo, pero kailangan para na rin sa ikabubuti ng lahat. Pinirmahan ko na ang devorce paper para naman makabawi ako at maging malaya kana, Mahal na Mahal ko kayo ni Keoh... Pero sana sa pag dating ng panahon hayaan mong hanapin ako ng anak ko. Paalam na Axell maraming salamat sa mo at ng pamilya mo. Magpapaka layo layo na ako sainyo. Sana magkabalikan na kayo,Dahil yun ang tanging hiling mo simula nang makasama kita.

-Monica

Iiwan niya ang bata? Ano siyang klaseng ina? Hindi ba niya inisip na pag nawala siya hahanapin siya ng anak niya? Lumingon ako kila Gab at Nica sinabi ki na basahin nila ito. Binasa naman nila ito, Ako naman ay tumabi ako kay keoh.

"May masakit ba sayo?"tanong ko sakanya.

"Wala po, lumakas nga po ako e. Tyaka sabi ni mommy magpalakas daw po ako para hindi na ako mapunta dito" sabi ng bata sa akin. Lumingon ako kila Nica na parang nababasa na nila ang nasa utak ko. Nabasa na nila ang letter ni Axell dito. Mas lalong nainis si Nica sa ugali ni Monica na ibinigay niya basta ang bata kila Axell. Pumasok ang nurse at tinignan ang bata.

"Mam, pwede niyo na pong paliguan yung anak niyo" nanliit ang mata ko, ganun na ba ako katanda at para sabihan ako na may anak?

"He's not my son, He's the son of one
of my friend."sabi ko kaya naman nag sorry siya at nagpaalam na samin.

"WOW NAMAN IVY, ANG TARAY HA!" sabi naman ni Nica.

"Friend nga ba?"asar saakin ni Gab.

"Alam niyo paepal kayo!" Kinuha ko na si keoh at pinaliguan ko ng maligamgam na tubig. Pinolbohan ko muna siya bago ko siya binihisan. Umupo naman ako kay sa sofa, at nakatulog.

GAB P.O.V.

Nilalaro naman namin si Keoh samantalang nakatulog si Ivy sa sofa, taray naman ni ateng walang pake sa outfit niya basta makatulog e. Magtatanghali na hindi pa dumating si Axell na yun, nagugutom na kami ni Nica dito. Umalis kasi si Monica na bruhildang yun, Iwan ba naman niya yung anak niya sa kay Axell. Naku oag nakita ko yun baka masampal ko yun.

"From now on, Tita Nica na tawag mo saakin gaya ni Sam okay?" Sabi ni Nica habang nagsusulat silang dalawa.

"Okay po, Then? Tito Gab ang tawag ko po sayo?" Ayyy letche naloloka ako sa batang ito. Tita kaya ang tawag saakin ni Sam.

"Hindi, naloloka ako sayo ah. Tita Gab dapat tawag mo saakin hahahaha"

Napatigil kami sa pag kwekwento ng pumasok na si Axell na may dalang bucket of chicken. Naks naman, ang daming pagkain may fries at burger pa.

"Kanina pa ba kayo dito?"tanong ni Axell, Nagising naman bigla si Ivy kaya naman siya na rin ang sumagot.

"Kanina pa kaming umaga dito"sabi niya sabay abot ng letter ni Monica para kay Axell. Alam kong magugulat siya pero mas maganda na siguro na huwag na kami mangielam. Kinuha ko ang mga pagkain para ihanin.

Matapos basahin ni Axell yung letter ay umupo siya at tinititigan si Ivy na pinapakain si Keoh. Ngumiti siya habang pinapanood ang bata at si Ivy.

"TARAY NAMAN AXELL!! SAAN ANG LIBING?HAHAHA"naka polo kasi siya na puti na nakatupi ang sleeve. Nagtawanan naman kaming lahat.

IVY P.O.V.

Natapos kulitan, tawanan, lokohan namin ay mukhang nag enjoy naman si keoh ngayon. Hinatid naman kami ni Axell sa labas ng hospital nang dumating na si Ate Cath.

"Salamat..Kahit na niloko ko na kayo, Nandiyan parin kayo" nahihiyang sabi ni Axell.

"Wala yun, at isa pa kawawa si keoh, walang kikilalanin na ina paglaki"sabi ni Nica.

"Okay lang saamin na kilalanin kaming Tita ni Keoh, Nandito lang kami" sabi ko habang naglalakad.

"TITA LANG?! E HALOS MAGING NANAY KA NA NI KEOH KANINA"loko nila Nica at Gab.

"Dahil kawawa ang bata...Sige alis na kami" bago kami sumakay sa sasakyan ay nakita ko si Axell na nakangiti saakin. Hindi ko nalang pinansin ang kalokohan ng dalawa. Habang nasa biyahe kami, hindi ko akalain na magiging masaya ang araw ko. Dumaan naman kaming tatlo sa school ni Sam, at para maasara namin si Alex. Hindi kasi siya nakahabol saamin kanina. Habang nasa biyahe kami ay bigla akong nahilo kaya naman pina uwi nalang nila ako sa bahay at sila na susundo kay Sam. Pagpasok ko nakita ko sila Mommy at Daddy.

"Hello Dad, Ano nagenjoy ba kayo makipagkita sa mga kaibigan niyo?" Sabay halik ko sa pisnge nila.

"Yeahh, Gusto ko mag Beach naman tayo niyan para naman masaya." Request naman ni mommy saakin. Well gusto ko na rin muna magpahinga, at wala naman masyadong nagpapagawa ngayon. Pumunta ako sa garahe ko dahil may naiwan akong gamit doon. Binuksan ko ang sasakyan ko, nakita ko naman ang plan ko sa building ni Gab dahil siya ang huli kong gagawan neto pero may naka aagaw ng pansin ko ang isang box na puro lupa. Eto pala yung mga alaala ko kay Axell. Kinuha ko rin ang box at tyaka ko inakyat sa kwarto. Nakasalubong ko naman si kuya Ice na kakalalabas lang niya sa kwarto.
"Tulungan na kita"sabi ni kuya Ice. "Kaya ko naman eh, salamat nalang" ngiti ko sakanya.

"Edi wow, nagpapakagentleman na mga ako ayaw mo pa." Wow naman hahaha.

"Hahaha eh ang pambabae gentleman ka ba sakanila?" Nakangiti akong nakakaloko. Hahaha.

"Chickboy is always a chickboy" pagmamayabang niya.



Wala na akong nagawa kundi ang pumasok sa kwarto ko. Pagpasok ko nilapag ko ang box tyaka ko binuksan box dahil nandito pa ang susi. Pagbukas ko nakita ko ang mga pictures namin yung puro stolen ko, yung sa tuwing kakain kami sa labas, at sa lahat ng oras na kasama ko siya ay merom dito. SAYANG, bakit ba naghiwalay tayo? Bakit ka nagloko, at bakit ako naniwala sakanila. Sinarado ko na ang box tyaka ko inilagay sa ilalim ng kama ko. At humiga ako sa higaan ko, hindi ko namalayan na may mainit na tubig ang dumadaloy sa gilid ng mata ko. Umiiyak nanaman ba ako?! Nang dahil sakanya? Ayoko na napapagod na ako.

Million Reason [FLND] Book 2Where stories live. Discover now