GMAMR Chapter 8

25 6 1
                                    


Maaga akong nagising para magluto ng babaonin ni Sam sa school. Itong si Ashe naman ay tulog pa,pero siya ang maghahatid kay Sam. Edi nagluto na ako, itong si Manang Nida at Manang Flora nagtatawanan dahil sa napanood nila kagabi. Naku si manang flora matanda na nga nakikipagchismisan pa kay Manang Nida. Nakaluto naman na ako, naglinis rin naman ako sa kwarto kasi nakakahiya naman kila manang na sila pa ang maglilinis ng kwarto ko. Habang naglilinis ako ay nagising naman si Ashe para ihatid si Sam.

"Hatid ko na si Sam, tyaka may meeting pa ako" napa buntong hininga nalang ako.

Tinapos ko ang ginagawa ko ng tignan ko ang oras ay malalate na pala ako. Kaya tumakbo na ako papunta sa banyo para maligo. Hindi naman ako nagtagal kaya nagbihis na agad ako at pumunta na sa sasakyan nakita naman ako ni Manang Nida na tumatakbo.

"Ivy! Dahan dahan lang baka madulas ka, buksan ko na ang gate para maka alis ka na agad" binuksan naman niya ang gate at ako naman ay nagmaneho na papunta sa meeting place, makikilala ko ang mga makakasama ko sa paggawa coffee shop lang pero ang mahal naman ng bayad saamin. Mayaman talaga sila Stacey, habang nagmamaneho ako ay tumawag na saakin si Stacey.

"Ivy, Saan kana?" Late na talaga ako shemayy nakakahiya.

"Malapit na ako" yan nalang nasabi ko.

Buti nalang hindi traffic kasi nakakahiya kung late na late na ako. Nagpark naman ako gilid ng resturant at inayos ang mukha ko hahaha nakuha ko pang mag ayos e late na ako. Pagpasok ko sa loob ay sumenyas saakin si Stacey na nandun sila. Naglakad naman ako papunta sa pwesto nila nang makita ko ang daddy niya. Hala! Nakakahiya naghintay sila saakin.

"Sorry, I'm late" ngumiti naman saakin ang daddy ni Stacey.

"Okay lang iha, umupo kana" turo niya sa bakanteng upuan. Pero ang nakakagulat ay nandun rin si Axell, geez. Bakit siya pa?! Tumingin ako kay Stacey ng masama.

"Sorry hindi ko rin alam nagulat rin ako kanina" wala naman akong magawa kaya umupo nalang ako. Dalawang Engineer at ako lang ang Architect. Nag excuse naman ako.

"C.R. lang ako" paalam ko, pagkarating ko sa C.R. ay kumuha ako ng band aid sa bag at nilagay ko sa wrist ko. Hindi niya pwedeng makita yung puso sa kamay ko baka isipin niya hindi pa ako nakaka move on. Pagkarating ko sa lamesa ay nagkasundo naman kami nung isang Engineer kasi nakasama ko na siya dati. Ipakikita naman saamin yung lupa bukas at para masukat na nila at mabigyan ako ng magandang ideas pag nakita ako ang lugar. Habang kumakain na ako ay napapatingin saakin si Axell yung isang engineer na si Ford ay nakikipag usap kila Stacey. Alam ko na tinitignan niya ang wrist ko.

"Wala ng puso diyan" napatingin naman siya saakin, at nagulat dahil napansin niya.


"Ahh......" Wala siyang masabi saakin.


"Tinakpan ko lang ng band aid kasi may peklat ako diyan, pinaalis ko kasi e" mukhang nalungkot siya sa sinabi ko.


"Kasalanan ko kasi e" hindi ko na siya sinagot at pinagpatuloy ko lang ang pag kain. Nang matapos na ang meeting ay tumayo agad ako at nagpaalam sa daddy ni Stacey. Habang naglalakad ako papunta sa pinark kong sasakyan ay katabi pa pala ng sasakyan ko ang sasakyan ni Axell. Nagulat siya ng sumakay ako sa driver seat akala niya siguro hindi parin ako marunong.



AXELL P.O.V.

Pilit kaming pinagkikita ni tadhana, nakasama ko siya sa isang project ko. Habang nag meeting kami ay nakita ko ang wrist niyang may band aid. Na kwento niya saakin na pinaalis na niya ang tattoo niya sa wrist niya. Nag usap kami konti, pero ang cold niya pagdating saakin. Habang kumakain siya hindi ko maiwasan na titigan siya, kasalanan ko talaga lahat. Matakaw parin siyang kumain kahit anong mangyari, Pauwi na kami ng habulin ko siya alam ko naman na may driver siya kaya mahahabol ko siya pero laking gulat ko ng sumakay siya sa driver seat. Binuksan niya ang bintana niya.

"May kailangan ka pa ba Mr. Vasquez?" Ang formal naman niyang mag salita saakin.


"Marunong ka na pala mag drive" naka ngiti kong sabi. Ngumiti rin siya ng sobrang tamis na akala mo hindi niya ako EX.



"Kasi kaya ko naman ng wala ka"naka ngiti parin niyang sabi.

"Kasi kaya ko naman ng wala ka"

"Kasi kaya ko naman ng wala ka"

"Kasi kaya ko naman ng wala ka"

"Kasi kaya ko naman ng wala ka"

"Kasi kaya ko naman ng wala ka"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa mga sinasabi niya saakin. Bigla na niyang pina takbo ang sasakyan niya, sinubukan kong habulin siya pero masyado siyang mabilis. Wala na akong magawa kundi umuwi na agad sa bahay. Nakita ko naman si Monica ka busy kausap ang mga friends niya sa Japan. Nakita ko naman si Ate Cath na ang sama ng tingin kay Monica. Niyakap ko naman si ate at nag kwentuhan kami saglit.


"Yang si Monica, Sarap buhay nalang dito. Hindi man lang kami tulungan nila yaya dito." Ang sama ng tingin niya kay monica.


"Hayaan mo nalang te" hinampas naman ako ni ate ng rolling pin.


"Kung hindi ka nagloko edi sana masaya ka ngayon, yan ang napapala mo!!" Naalala ko naman yung meeting kanina.



"Ate, si Ivy pala, kasama ko sa isang project"nagulat naman siya kaya napatingin siya saakin.


Mag kwento ka!! Anong nangyari kanina?!" Excited na malaman ni ate Cath.



"Wala naman nangyari nag usap kami konti, pero ang nakakagulat ay marunong na siya mag drive ng sasakyan dati halos umiyak na siya sa sobrang kaba sa bike palang yun pero ngayon nakakabilib na mas mabilis pa siyang mag maneho kesa saakin" habang inaalala ko pa yung mga panahong tinuturuan ko siya.



"Alam mo kasi Axell, kapatid, lahat ng tao nagbabago at natututo lalo na pag nasasaktan. May mga pamilya na kayo, move on nalang" sabi ni ate.


Bakit? Pagdating sa pagmamahal nakakalimutan ko na may pamilya ako. Paano na si keoh? Bata pa siya ayoko na lumaki siya ng walang ama. Naguguluhan na ako, hindi ko alam kung saan ako pwepwesto.


Mahal ko parin siya, Pero may anak ako.

Million Reason [FLND] Book 2Where stories live. Discover now