GMAMR Chapter 17

21 6 3
                                    


Sobrang saya ko na okay na kami ni Axell. Umuwi naman kami agad dahil kailangan kong mag trabaho pero papasok na sana ako sa trabaho ko ng naalala ko na kailangan kong tawagan si Ashe gusto kong ibalita tungkol saamin ni Axell. Alam kong magagalit siya pero alam ko na matatanggap niya ito someday. Tinawagan ko naman siya pero hindi talaga siya sumasagot kahapon pa, Anyare sa lalaking yun? Nagulat naman ako ng kumatok si Kuya Ivan sa pinto.

"BUNSO!May tawag ka sa baba" aish! Maka bunso naman itong lalaking ito. Sinabi ko naman na susunod ako kaya naman inayos ko muna yung damit ko tyaka bumaba, pagkababa ko nakaramdam ako ng uhaw kaya pumunta muna ako ng kusina at kumuha ng tubig. Dahil ayoko naman maghintay yung tawag saakin dinala ko na yung baso, uminom muna ako bago ko siya sagutin.

"Hello?" Pagsisimula ko.

"Good Afternoon mam, This is Ivy Castro?" Tanong naman niya saakin.

"Yes, I'm Ivy Castro" pag sisigurado ko sakanya.

"Mam, May balita po kasi kami at sana huwag po kayong magulat..."sagot naman niya saakin.

Agad naman akong kinabahan, Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Pero hinayaan ko muna ang kabang ito.

"Okay"yan nalang ang tanging nasagot ko.

"Mam, Natagpuan po namin ang bangkay ni Sir Asheton Garcia sa Apartment na tinutuluyan niya dito sa italy, Tinawagan kami ng police doon para ma inform namin ang nangyari sa sa bangkay. Mam, iuuwi na daw po ang bangkay bukas at sasabihin rin po ang cause ng pagkamatay niy—" Sa sobrang pagkagulat ko hindi ko alam ang gagawin ko agad kong nabitawan ang basong hawak hawak ko. Nasi puntahan naman silang lahat sa pwesto ko at inilayo ako sa basag na baso. Hindi ako makahinga, Hindi ako makagalaw. Kusang nagsi patak ang mga luhang kanina pa gustong kumawala. Ilang beses nila akong tinanong kung anong nangyari. Pero si Kuya Ivan na ang kuma usap sa lalaking nasa tawag. Nagulat rin siya pero kinausap niya lang ito at tyaka pinatay ang tawag. Bigla akong napaupo sa sahig na pilit nila akong itinatayo.

"BAKITTTTTT?! BAKITTTT LAHAT NG TAONG MAHAHALAGA SAAKIN NAWAWALA SAAKIN?"sigaw ko.

"BAKIT KING TYAKA AKO MASAYA BIGLA ULIT AKO MAGIGING MALUNGKOT!!! WALA BA AKONG KARAPATAN MAGING MASAYA?!!!" patuloy ko sa pagsigaw.

Niyakap naman ako ni Mommy at Daddy.

"Anak! May dahilan ang lahat"sabay hawi sa likod ko para mahimasmasan ako.

"Mom.....Una si Winter,Pangalawa naman si Ashe sino susunod si Axell?! Ang sakit sakit mawalan, Ang hirap mawalan ulit ng taong mahalaga saakin. Paulit ulit nalang" mahinahon kong sabi pero sa likod neto para na akong patay na paulit ulit sinasaksak.

"Anak, Alam namin na kakayanin mo kahit gaano pa kasakit", Sabay pahid sa mga luha ko.

"Ayoko ng mabuhay ..." yan nalang ang tanging huli kong sinabi ng bigla nagdilim ang paligid ko.

AXELL P.O.V.

Hindi ko maiwasan ngumiti ng maalala ko na binigyan ako ng pangalawang pagkakataon ni Ivy. Pero nagulat ako ng mabalitaan ko na patay na si Ashe. Para akong sinabuyan ng malamig na tubig ng makita ko si Ivy na tulala st nakatingin sa kawalan. Sinabi naman ng mga pinsan niya na dala narin ng sobrang pag ka trauma. Nangako ako na hindi ko siya hahayaan na mag isa at hinding hindi na ako mawawala sa tabi niya.

Nandito naman kami sa bahay nila Ashe,Kanina pa umiiyak ang Nanay niya. Nalaman rin namin na may sakit na pala dati si Ashe pero hindi lang niya sinasabi. Habang nandito kami sa bahay ay maraming nakikiramay kay Ashe. Nagulat ako ng tumayo si Ivy na tulala at lumapit sa katawan ni Ashe. Agad ko naman siyang sinundan.

"Ashe.......Paano na kami... ni Sam...." Pinahid ko ang luhang pumatak mula sa kanyang matang walang ka emo emosyon. Sa wakas nakapag salita na rin siya. Simula ng malaman niya na wala na si Ashe ay hindi na siya nag salita pa.

"Bakit niyo ako iniiwan...." Agad ko siyang niyakap mula sa likod. At binulong na....

"Hinding hindi na kita iiwan" yan lang ang tanging nasabi ko. Nakita ko naman ang konting saya ng labi niya. Agad akong nagpa alam sa magulang ni Ashe na uuwi na kami ni Ivy.
Nagdrive naman ako papuntang bahay nila pero naisipan ko na pumunta sa tabing dagat dahil alam ko na dito tahimik. Binaba ko siya dito at tyaka pinatayo sa gilid. Hinayaan ko siya namnamin ang halimuyak ng hangin.
Tatalon sana siya ng yakapin ko siya mula sa likod niya.

"Bakit ko ako hinayaan?" Mahinang sabi niya.

"Hindi ako tanga para hayaan ka malunog sa dagat. At hindi rin ako tanga para pabayaan kita" bulong ko sa tenga niya.

"Iiwan mo rin naman ako..." Hinigpitan ko ang yakap ko sakanya.

"Kung mangyayari man yon, Gusto ko kasama ka" ngiti ko sakanya.

"Si Winter,Si Ashe, Ikaw ba ang susunod na iiwan ulit ako?" Agad ko siyang hinarap saakin kahit alam kong nakatingin siya sa kawalan.

"Sa tingin mo masaya kaya si Asheton na ganyan ka?" Agad namang umiyak si Ivy. Hinalikan ko siya sa noo at tyaka niyakap.

"Minsan na kitang nasaktan, at ayoko ng maging gago para iwan ka" sabi ko at tyaka siya hinila papunta sa sasakyan. Papaandarin ko na sana ang sasakyan ng hawakan ni Ivy ang kamay ko. Ngumit naman ako kahit na alam ko sa sarili ko na nasasaktan rin ako na nagkakaganyan si Ivy para kay Ashe.

Habang nagdridrive ako hindi ko maiwasan na tignan siya. Malungkot, Walang Emosyon, Nakatingin sa Kawalan. Pag nangyari rin ba saakin ang mawala ako magkakaganyan kaya siya? Aaminin ko masakit na ang taong mahal ko ay iniiyakan ang taong napalapit sakanya. Alam kong selfish ako, pero nakakaselos lang. Nakarating naman kami sa bahay nila, Agad ko siyang hinatid sa kwarto niya at inihiga.

"Magpahinga ka muna, Magpalakas ka" sabay halik sakanga at sa noo niya.
Aalis na sana ako ng hawakan niya ang kamay ko.

"Axell...alam ko nasasaktan kita dahil ganto ako. Pero salamay parin dahil hindi mo ako iniiwan" agad naman akong ngumiti sakanya at pinagmasdan na ipikit ang mata niya. Ng makatulog na siya ay nakasalubong ko ang magulang niya.

"Tita,Tito" sabay beso sakanila.

"Nahatid mo na ba siya?" Halatang nag alala sila.

"Opo, pabantay nalang baka kung ano ang gawin e" sagot ko naman sakanya.

"Ah Tita and Tito, Hindi naman po ako nagmamadali pero balak ko sana na pakasalan ang anak niyo." Nakita ko naman ang saya mula sakanilang dalawa.

"Approved ka saakin iho!" Sabi agad ni Tito.

"Tiwala naman ako sayo iho." Nakangiti sabi ni Tita. Nagpaalam naman ako sakanila ng makasalubong ko sa Gate sina kuya Ivan.

"Ehem!"agad naman silang tumingin saakin. "Gusto ko lang malaman niyo guys na mahal na mahal ko si Ivy, At balak ko na pakasalan siya. Pero hindi naman ako nagmamadali" agad naman silang natigilan at lumapit na akala mo papatayin ako. Susuntukin sana ako ni Kuya Ice ng Akbayan niya ako. "Tiwala kami sayo dude!" Sabi niya saakin.

"Brother in-law" sabi agad ni Kuya Ivan saakin na labis kong ikinasaya.

This time kailangan kong patunayan na hinding hindi kita iiwan, Ivy.

Million Reason [FLND] Book 2Where stories live. Discover now