GMAMR Chapter 16

21 6 2
                                    

Nagising naman ako sa pagtapik ni Kuya Ice saakin. Lumabas na ako sa sasakyan at sumalubong saakin ang napakasariwang hangin. Nakita ko naman si Sam na nakikipaglaro kay Keoh. Sila Alex at Nica naman ay kinakausap na ang mga tauhan ni Alex.    

Okay naman na daw kumuha sila ng Isang Malaking Apartment dito kumbaga para sa mga master lang ito.
Sa isang apartment may apat kwarto isa kila mommy at daddy, Isa sa mga kupals,Calvin at Axell, Isa naman para kila manang kasama ang mga bata, Isa saamin, gusto ko kunin si Sam at keoh kaso gusto nila kasama kila manang. Wala naman akong magawa gusto nilang laruin sila manang. Habang palabas ako ng kwarto ay tumakbo ako palabas ng apartment at tyaka tumakbo puntang dagat. At nilasap ang hangin.

"Ngayon ko lang ulit ito mararanasan" sabi ko sa sarili ko sabay taas ng kamay. Nakita ko naman na naghahabulan ang dalawang bata kasama ang sina Manang Nida at Manang Flora.

Hindi ko maiwasan mapangiti dahil kumpleto kami, kaso wala lang si Ashe. Nakakamiss rin yung lalaking yun. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ko siya, pero hindi siya sumasagot siguro busy siya kaya hindi ko nalang inabala. At dahil nagpahinga ang mga kupals at sila mommy at daddy ay naghahanda ba kami ng kakainin namin sa tanghalian,habang naglalaro ng buhangin ang dalawang bata kasama sila Manang. Kami lang apat ang naghahanda ng kakainin samantalang sila Calvin at Axell naman ay nagiiihaw. Para silang magkapatid dahil ang bilis lumaki ni calvin, dati para silang mag ama hahaha.
At dahil wala namang ginagawa, Nagpulot ako ng mga magagandang bato at shell sa mababaw na dagat. Habang nagpupulot ako nakakita ako ng isang napakagandang shell na may bato na kulay asul ito kaya madali kong nakita ito at kinuha. Bumalik ako para ilagay ang mga bato na nakuha ko. Binutasan ko yung kulay asul na shell na may bato at kumuha ako ng lace at tyaka sinuot ito. Nakita ko naman sila Gab na okay na ang kakainin kaya nagtawag na sila. Pumunta naman kami at kumain. Napansin ni Mommy yung kwintas na nakasuot saakin.

"Sino nag bigay sayi niyan anak?" Tanong ni mommy saakin.

"Napulot ko nga po eh, ang gaganda ng mga shell at Bato dito,ma" sabi ko habang pinapakain ko si Sam.

Matapos kong pakainin si Sam ay ako naman ang kumain. Naiwan naman kami nila Gab, Nica at Alex samantalang ang mga kupals ay hahanap daw ng chix sinama naman sila mommy at daddy naman ay magpupulot rin sila ng mga shell pampaganda daw ng garden ko hahaha nung una ayaw ni daddy pero mahal niya si mommu kaya sumunod siya. Nakita ko nalang si Sam at Keoh na nakikipaglaro kila Axell at Calvin. Sila manang nag aayos nalang ng hihigaan nila. Naagaw ang atensyon ko ng magsalita si Gab.

"Oh? Wala parin bang balita kay Monica?"napatingin ako sakanya.

"Wala pa rin, Ewan ko ba kung saan na napadpad yun." Sabi ko, napatingin naman ako kay Sam ng papalapit saakin.

"Mommy ligo na tayo, Saan na swim suit ko?" Napatawa naman ako dahil excited siyang suotin yun.

"Wait lang baby, magliligpit kami nila Tita, okay?" Tumango naman siya at umalis.

Nagligpit naman kami nila Gab. Habang si Nica ayun dada ng dada.

"Magswiswimming tanghaling tapat" pag iinarte niya.

"Palibhasa takot kalang umitim"sabi ko hahahaha.

"Loka! Hindi kasi ako tulad mo na sobrang puti na akala mo nagpapaturok ka ng gluta! HAHAHAAHA" Nagtawanan naman kami at tyaka nagbihis kami nila nag two piece kaming tatlo samantalang si Gab ayun nagbra at nakashort hahaha nakakaloka. Kulay black ang swim suit ko kay Nica Blue kay Alex Red. Masyado litaw ang black swim suit ko dahil sa puti ko, binihisan ko si Sam ng two piece at sinabi ko kay gab na lagyan ng hangin yung salbabida niya. Lahat na ay nagbihis ako naman ay naiwan muna dito sa kwarto, tinatawagan ko kasi si Ashe kanina pa hindi kasi sinasagot. Wala rin akong magawa kundi ang lumabas. Paglabas ako ayun nasitinginan sila saakin na parang nakakita ng multo.

"NAKSS! SI BABY NATIN DALAGA NA TALAGA!!" sigaw ni kuya Math.

"Tarayy parang model!!" sabi naman nila gab,nica at alex.

Naglakad naman ako papunta sa kanila at habang naglalakad ako ay nakita ko na nakatingin saakin si Axell. Bakit feeling ko nahihiya na ako? Pero hinayaan ko nalang. Hanggang sa makarating ako sa tabing dagat kung saan nandun silang lahat. Ng makarating ako nakita ko si Sam na naliligo na first time niya kasi mag outing kasi hindi naman siya makalabas dahil busy ako. Lumapit ako kila Alex.

"Gusto ko mag activities tayo dito" sabi ko. Tulad ng pagsakay sa bangka.

"TARAAAA!" sigaw ng lahat kaya napangiti ako.

Ang dami namin ginawang activities dito sa resort at last mamayang hapon naman ay yung aakyat sa bundok kung saan makikita mo yung sunset. Kaya naghintay kaming maghapon. Maiiwan na sila mommy,daddy at sila manang at ang mga bata. Natulog muna silang lahat samantalang ako nandito lang ako sa kubo kung saan kami kumain kanina nag short muna at baka kasi mabastos ako. Habang nagmumuni ako napalingon ako sa likod nagulat ako ng nandum siya.

Umalis ako, Mabilis ako mag lakad ewan ko kung saan ako pupunta basta makalayo lang sakanya. Pero nahabol niya ako.

"Wait......." Pagpigil niya saakin.

"ANO NANAMAN?" Sabi ko. Nagagalit na ako dahil alam ko na ang sasabihin niya.

"Pwede ba kitang kausapin?" Tanong niya.

"KUNG TATANUNGIN MO KUNG MAHAL PARIN KITA, OO MAHAL PARIN KITA!!ANG HIRAP PIGILAN YUNG NARARAMDAMAN KO SAYOOO!! ALAM MO KUNG BAKIT? KASI AYOKO NG MAGMAHAL SA TAONG NILOKO NA AKO. ILANG TAON KANG NAWALA TAPOS BABALIK KA NUNG NALAMAN MONG HINDI MO TALAGA TUNAY NA ANAK SI KEOH" sigaw ko sakanya.

"Isa beses lang naman ako nagloko......" Nakayuko niyang sabi.


"Oo nga, isang beses nga pero yung isang beses na yun nasaktan ako ng sobra sobra" sabi ko tyaka ako umalis.


GAB P.O.V.

Nawawala na ata si Ivy nakakaloka na. Buti nakita namin siyang, pero umiiyak. Ilang taon na rin bago ko siyang umiyak ulit. Nang makita niya ako ay agad niyang pinunasan ang mga luha niya.

"Tara na?" Tanong niya saamin na parang walang nangyari. Ako lang ata nakakita na umiiyak siya dahil si Nica at Alex busy makipag harutan sa mga fafa ko. Hihintayin ko nalang na mag salita si Ivy.


"Tara na gurl, kanina pa kami nag hihintay ditey, Saan si Axell?" Tanong ko. Tamang tama naman ay dumating rin siya. Naglakad naman kami paakyat sa bundok. Medyo nahihirapan akes kasi naman may mga fafa sa likod ko.


IVY P.O.V.

Habang paakyat kami ng bundok kay naiirita naman ako sa kaldaldalan netong bakla na eto hahaha. Kanina ko pa gusto ko magpahinga pero suddenly na amaze ako sa ganda ng view na nakikita ko.


"Nandito na pala tayo hahaha ikaw kasi ang daldal mo Gab ayan tuloy naiirita na si Vy" sabi naman ni Alex.


Hindi ko nalang pinansin ang mga kasama ko. Nagpicture ako at pinicturan ang napakagandang view. Tinaas ko ang dalawan kamay ko na para bang inenjoy ko ang moment na ito. Pagkababa ko ng kamay ko ay biglang kinuha ni Axell ang kamay ko at tyaka lumuhod. Napalingon naman ako sa mga kasama ko na hindi rin nila alam ang irereact nila.


"Ivy! Mahal kita! Just give me one more chance na patanuyan sayo na mahal kita! Pero kung ayaw mo talaga lalayo na ako, lalayo na kami ni Keoh"



Lalayo? Nanaman? Mahal naman kita eh sadyang takot lang ako na masaktan mo ulit ako. Ayoko na umalis ulit siya.
Bakit parang gusto ko na aminin ang nararamdaman ko. Perfect timing sunset pa ang oras.



"Alam mo....Realize ko na hindi ako takot masaktan takot pala ako na iwan mo ulit ako. Mahal rin kita Axell" biglang nagsigawan ang mga kasama ko lalo na sila Nica, Alex at Gab. Ang mgakupals naman ay pumapalakpak na.




"Well congrats pinsan~ yan lang ang hinihintay namin ang muling lumambot ang puso mo" sabi ni kuya Justin.




Sana ang chance na binigay ko ay huwag mo na babalewalain.

Million Reason [FLND] Book 2Where stories live. Discover now