GMAMR Chapter 13

15 6 2
                                    

Mga ilang minuto pa nagulat kami ng pumasok si Axell na sobrang galit. Mabuti nalang ay nakatulog na ang dalawa sa sobrang kakalaro kanina.

"KAILAN PA?! KAILAN MO PA AKO NILOLOKO?! LIMANG TAON MONICA! PINA IKOT MO AKO?!" nagising ang dalawang bata sa sigaw ni Axell. Napatayo agad ako dahil masyadong galit si Axell ngayon. Ang kanina pang kinakabaham ay umiiyak na ngayon.

"Kung mag aaway kayo huwag naman sa harap ng mga bata!" Sigaw ko. Hinila ko silang dalawa palabas ng kwarto para magka ayos silang mag asawa. Pagkalabas naming tatlo ay biglang niyakap ni Monica si Axell, May konting kirot akong naramdaman.

"Axell! Magpapaliwanag ako! Huwag mo akong iwan please!" Nagmamaka awang sabi ni Monica. Halos lumuhod na siya kay Axell. Hindi ko kinaya ang mga kadramahan nila kaya naman papasok na ako sa kwarto, Papasok sana ako sa loob ng may sinabi si Axell na ikinatigil ko.

"SINONG ANG TUNAY NA AMA NI KEOH!!?" napahinto ako sa sinabi ni Axell.

"Axell, Maawa ka!"yan nalang ang tanging nasasabi ni Monica sa harap niya. Humarap ako sa kanilang dalawa.

"ALAM MO BANG SINIRA MO KAMING DALAWA?!" Turo ni Axell saakin. "YAN ANG TAONG INIWAN KO,NG DAHIL SA KALOKOHAN MO?!"Ngayon ko lang ulit nakita si Axell na umiyak, Na hanggang ngayon nanlalambot ako sa tuwing nakikita ko siyang umiiyak. Gusto ko ng pumasok sa loob, pero may nagtutulak saakin na makinig.

"Si Mike ang nakabuntis saakin.......Akala ko kasi noon, hindi niya ako iiwan pero bigla siyang nawala nang nalaman niyang buntis ako" Umiiyak parin siya. Mike? Yung top one sa batch namin dati? "Si Mike, Siya yung may top sa classroom natin" paliwanag niya. "Pero ikaw ang mahal ko, kaya ko pinalabas na anak mo siya kahit na yung mga panahon na yun may nangyare na saatin" hindi ko kinaya ang mga naririnig ko. Nabigla kami ng suntukin ni Axell yung pader.

"TANG INA MONICA!! ANO BANG NAGAWA KONG KASALANAN! BAKIT MO SINIRA ANG BUHAY KO! SINIRA MO YUNG RELASYONG NA ALAM MONG NAGMAMAHALAN!"sabay sabunot sa buhok niya.

"Axell, nag mamakaawa ako! Please lang! Huwag mo kaming iwan" lumuhod na si Monica kay Axell.


"Hindi ko iiwan si keoh! At Hinding hindi kita mamahalin dahil ang totong mahal ko ay ang taong nakaharap saakin.....Tapos na ang maliligayang araw mo Monica, Nalaman ko na ang sikreto mo!" Hindi mo na kinaya ang napapanood ko kaya naman pumasok na talaga ako sa loob ng kwarto. Pagpasok ko, nakita ko na nanghihina na si Keoh. Naawa ako sa bata, Walang ka alam alam sa mga nangyayari. Tumabi ako kay Alex, Nakatulog rin ang gaga. Sa gilid ko naman ay si Ate Cath.

"Okay lang ba sila?"tanong saakin ni ate Cath.



"Hindi ko po alam, Basta ang nalaman ko lang, niloloko ni Monica si Axell"yan ang nasabi ko sabay ngiting pilit. Nagulat ako ng yakapin ako ni ate Cath.

"Alam mo, Lalo kang gumanda at mas nagung matured. Naalala ko pa nagtatampo kay Axell dahil jinojoke ka niya, tignan mo nga naman isang napakagandang ina ka na ngayon" sabay hawi niya sa buhok ko."Nakaka inis, bakit kasi hindi nalang kayo!" Napangiti ako sa sinabi ni Ate Cath.

"May mga bagay na hindi talaga para sa isa't isa"napangiti ako. Maya maya ay pumasok na si Monica na umiiyak parin. Ginising ko na si Alex para maka uwi na dahil magdidilim na. Pag labas namin ng kwarto kay nakita ni Sam si Axell na umiiyak. Nilapitan niya ito, at niyakap.

"Tito Axell, Stop Crying na..." Sabay punas sa mga luhang bumabagsak mula sa mukha niya. Ngumiti naman si Axell kay Sam. "Alam mo pareho kayo ng mommy mo, maalaga." Tumingin naman saakin si Axell kaya iniwas ko ang tingin ko at tumingin ako may Alex na nakakalokong ngiti.

"Sam, magpaalam ka na kay tito Axell mo"sabi ko. Kaya naman nagpa alam ang dalawa sa isa't isa.

Palabas kami ng hospital at pumunta naman kami sa parking lot. At sumakay sa sasakyan. "So ano yung drama na yun kanina?" Tanong saakin ni Alex, hindi ko naman ma kwento dahil nandito si Sam.

"Maya ko kwento, nandito kasi si Sam" baka kasi marinig niya ang mga sasabihin ko. Pakarating namin sa bahay ay pinaderetsyo ko na si Sam sa Kwarto para magbihis samantalang etong si Alex naman ay pumunta sa office ko at umupo sa sofa.

Nag ayos naman ako ng office ko tyaka umopo. Ikwekwento ko na sana ng may pumasok sa office.
"WOYYYYY, ANO YUNG TSISMIS MGA SIS!!?"sigaw ni Gab at Nica. Napangiti ako dahil alam ko na ayaw ni Alex na mag kwekwento ako ng hindi alam ng lahat. Umupo nalang kami sa sofa at para mag kwento.

"Hindi ko alam, irereact ko sa mga nangyari kanina...."sabi ko pero nakaka inis dahil nagsalita nanaman ang madaldal na bakla.


"ANO BA YAN!!SABIHIN MO NA!!! HUWAG NG PABEBE!"inirapan ko naman si Gab.



"HINDI ANAK NI AXELL SI KEOH, OKAY?! ANG TUNAY NA AMA NI KEOH SI MIKE YUNG TOP 1 SA BATCH NATIN!! ANO?! HAPPY?!"nanlaki ang mata ko ng nandun rin si kuya Ivan nakakapasok palang. Umalis siya sa office ko dahil alam niyang importante ang mga kinukwento ko kila Gab.



"Ano?!WTF? SO IBIG SABIHIN GINAMIT NIYA SI KEOH PARA MAPASAKANYA SI AXELL?"Sabi ni Nica saakin.


"NAKUUU! YANG BABAENG MALANDI NA YAN!! HINDI NA NAKONSENSYA!"Sabi ni Alex.

"Hayaan niyo na..."yan na ang nasabi ko.



Nagkwentuhan naman kami ng Gabi na ay nagsi Uwian na ang tatlo. Lumabas ako ng Office ko, nagulat ako ng naghihintay si Kuya ko sa labas ng office ko.

"Pwede ba kitang makausap?"sabi ni kuya na bakas sakanya ang pagka alala saakin.

Sumunod naman ako kung saan siya kumuha ng wine. Binigyan naman niya ako ng isang baso na wine.

"Anong naramdaman mo nung nalaman mo na hindi anak ni Axell yung anak ni Monica?" Natigilan ako..
Pati ako ay hindi ko alam ang irereact ko kanina.

"Hindi ko alam irereact ko kanina kuya."sabi ko. Tumingin siya saakin.

"Kasi ako? Nakikita ko na, Umaasa ka na babalikan ka niya... Tama ba? Kaso pinipigilan mo dahil bawal." May kirot akong naramdaman hindi ko alam.



Tama nga ba si kuya? Umaasa ba ako? Basta ang nararamdaman ko ngayon ay naawa ako kay keoh.

Million Reason [FLND] Book 2Where stories live. Discover now