Chapter 3

720 11 0
                                    


Nagmadali agad akong umalis ng school. Hindi ko na rin inayos yong mga ginamit ko. Wala na akong pake! Bahala na bukas.

Ang mahalaga ay makarating lang ako sa hospital as soon as possible.

Nang makadaan ako sa waiting shed nakita ko si president na nagpapagpag nang kanyang damit. Nakaramdam ako ng guilt dahil sa ginawa ko. Tumigil ako sa harap niya, binuksan ang bintana ng kotse, at inihagis ang tissue. Naguguluhan naman siya. Sinarado ko na ang bintana at umalis. Maya-maya ay may bumato sa kotse at nakita ko si president na parang may sinisigaw na kung ano. Hindi ko na pinansin at dumeretso sa hospital.

Nang makarating ako ay nagtanong agad ako sa nurse station at sinabi sakin kung anong room ni Mama

Nang nasa harap na ako ng pinto hindi ko alam kung dapat ko bang buksan iyon o ano. Nahihiya akong humarap sa kanya. Ramdam ko kasing may kasalanan ako kung bakit siya nandito ngayon.

Binawi ko ang kamay ko ay siyang pag bukas ng pinto. Kaharap ko lang naman si Papa ngayon.

"Wala ka bang balak pumasok para kamustahin ang Mama mo?" napatungo na lamang ako. Nandito rin pala si daddy, si Lucifer, sina tita at Tito, at dalawang pinsan kong sina Silbester at Starlet.

Galing pa sa canada si Papa dahil may trabaho siya do'n. Sakto sigurong umuwi siya tapos ganito pa naabutan niya sa sitwasyon ni Mama.

"Bakit nakapatay ang cellphone mo?" malamig na tanong ng kapatid ko. "I've been calling you for freaking times, but your phone was fucking off."

"Bakit mo pati dinala ang kotse ni Mama? Wala kaming masakyan ng atakihin si Mama at kung walang duma—" pinutol ni Mama ang sinasabi niya.

"Come here, baby.." sabi ni Mama na ngayon ko lang napansin na gising na pala. Hinawakan ni Mama ang kamay ni Zach kaya napatigil. Sobrang putla niya at may mga nakalagay sa bibig niya na hindi ko alam kung ano.

Lumapit ako sa kanya at umupo sa bakanteng silya. Napatungo na lamang ako. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin o may dapat ba talaga akong sabihin.

"Kaya ganyan yan, eh, kasi kinusunti niyo!!" bulyaw nang bunso kong kapatid.

"Zachary!" saway ni Papa.

"What? Tama naman ako 'di ba? You are already 18 year old but you act like little stupid bitch—"

"Zachary!" saway na naman ni Papa. "Ate mo pa rin 'yan!"

"Okay lang, Papa," sabi ko at kinuyom ang kamao.

"Wala sana dito si Mama kung marunong kang makinig sa kanya. Hindi aatakihin si Mama kung minsan iniisip mo siya. 'Yan kasi ang problema sayo eh, makasarili ka! Puro sarili mo lang ang iniisip mo!"

Biglang umalis si Lucifer at padabog na sinarado ang pinto.

"Sundan ko lang si Kuya Zach.." sabi ni Silbester at umalis.

May naramdaman akong may kumapit sa balikat ko. Napatingin ako sa pinsan kong babae na si Starlet. Ngumiti siya bago lumabas. Lumabas din sina Tita at Tito. Sumunod din si Papa.

"Magpahinga na muna ako," sabi ni Mama na hinang-hina.

Yeah right, kasalanan ko lahat 'to. Kung hindi lang ako si Almira Zogel, wala rito si Mama. Napakasarili ko. Hindi ko tanda kung kelan ako huling umiyak. Ang tanda ko mga bata pa kami no'n at sinabi ko sa sarili ko na hindi na ulit ako iiyak dahil kapag nakita ako ni Flin na umiiyak baka iwanan niya ako. Takot akong maiwan sa totoo lang— lalo na ni Flin. 

Pero kahit may mga nakakasama naman ako, pakiramdam ko, mag-isa pa rin ako.

Lalabas sana ako nang marinig kong naguusap sina tito at Papa.

Finding My Way Back Home (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon