Chapter 18

490 12 0
                                    


"July 23-26 will be our ingramurals and 27 friday night is Acquaintance Party and everyone should participate.. Magkakaroon ang bawat section ng performance which is sasayaw kayong lahat by partner." announced ng adviser namin.

"Ano pong sayaw, Ma'am?" paguusisa ng isa kong kaklaseng babae.

"Tango," sagot ni M'am. Sasayaw daw! Psh. Patawa. Hindi ako sumasayaw. 

"Kukunin ko na rin ang list ng mga gustong sumali sa intramurals may incentives ito para sa mga sasali.."

Tinaas ko ang mga kamay ko para magtanong. "Pwede po bang hindi sumama?" tanong ko kasi for sure sa mga araw na iyon instead na magsasayaw, which is hindi naman ako marunong, maglalaro na lamang ako ng ps4 kasi malamang nasakin na iyon ng mga araw na 'yon. Saka sports? Tsk! 

"Hindi pwede. Kawawa naman ang magiging partner niyo. Attendance is a must. Kasama ito sa requirements sa clearance niyo kaya kung hindi kayo makakapunta, mahihirapan din kayo sa pagpapaperma.." paliwanag niya sakin. So wala akong choice, gano'n? "I have the list of your partner already."

Lunok..

Ayaw ko talagang magsayaw!

I mean nanunuod ako ng mga sayaw at attracted ako sa mga dancer pero kapag sumasayaw lang sila pero once na hindi na sumasayaw, wala na. Hindi ko na rin sila crush. 

Binanggit na ng adviser namin kung sinu'sino ang mag papartner. And do you know who my partner is?

None other than, Khel. Hindi naman talaga siya dapat pero nag request ang president kuno nila na magpalit sila ni Macky! Which is partner ko sana. Sana!

"Ma'am! Si Macky na lang po partner ko," sabi ko kay Ma'am, nagsusumamo.

"Hindi pwede. Macky agreed on it. Even Khel's partner." paliwanag nito. "Kaya ikaw na ang magiging partner ni Khel, okay?"

Hindi kasi ako marunong sumayaw at baka pagtawanan ako ng hambog na 'yon kapag nalaman niya! 

Lumapit ako sa kanya "Hindi po kasi ako marunong sumayaw," bulong ko.

"Don't worry, not everyone can dance some of you can, hindi ka nagiisa. Marunong naman magsayaw si Khel kaya wala ka dapat ikabahala," pssh! Hambog talaga 'yon!

"Don't you wanna be my partner?" tanong ni Khel. Taas noo pa itong naglakad papalapit sa gawi namin. Inismiran ko naman siya. Hindi ko siya pinansin.

"Ma'am, ano po bang consequence kapag hindi pumunta?" tanong ko kay Ma'am.

"Community service for 2 weeks, matagal tagal 'yon. Saka instead na nagpapahinga ka pagkatapos ng klase maglilinis ka pa." sales talk amp.

"Sige po. Pupunta na nga," no choice na sagot ko.

Narinig ko namang nag "yes!" si Khel sa may likod ko. Pssh!

"Bukas na bukas ay magsisimula na ang practice niyo. May trainor na rin kayo at cooperation na lamang ang kailangan ko para sa event na ito." sabi ng adviser namin bago siya mag class dismissed.

Bumalik na kami saming mga upuan para sa second subject. Napatingin ako sa bintana. Madilim ang kalangitan. Malakas na ulanin 'to. Nalimutan ko pa mandin kang magdala na naman ng payong. Rainy season na nga raw kasi sabi ni Khel na 'yon. Marunong pa kay Mang Tani?

Halata sa mga itsura ng mga kaklase ko ang tuwa at excitement sa parating na acquaintance party. Samantalang ako, undecided pa rin. Nasabi ko lamang na pupunta ako kahit ang totoo ay ayaw ko.. Kung alam 'to ni Mama, baka pagalitan pa ako no'n kapag hindi ako sumama. Psh!

Kumuha ako ng upuan at umupo malapit sa bintana. Nilagay ko rin ang earphone ko sa tenga at nagpatugtog. Magap pa naman eh. Np: Synesthesia by Mayonnaise

Finding My Way Back Home (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon