Chapter 47

316 8 0
                                    

"Nagkita na tayo noon at siguradong hindi mo na ako tanda kung sino ako ngayon."

Biglang tumigil ang mundo ko sa huli niyang sinabi...

"A-anong ibig mong sabihin?" tanong ko sa kanya. Hindi niya inalis ang tingin sa dagat at nanatiling nakangiti.

"I was 5 year old when I first saw you here. Gusto ko pa ngang matawa sayo noon kasi you were so shy back then unlike now.. Nagtatago ka sa likod ng hita ng mama mo habang kinakausap nila ang Ate ko." nakangiting kwento niya at tumingin sakin.

"Tinandaan ko ang istura nang kumuha sa Ate ko pero sadyang maraming nagbago kaya hindi kita natandaan-"

"Nagkekwento ka ba o nangiinsulto? Para kasing pinapalabas mong napakaingay ko ah?!" inis na tanong ko sa kanya.

"Bakit hindi ba? Hehehe!" badtrip to ah!

"Hindi!" mabilis na sagot ko.

"Tsk. Puro ka kasi side comments patapusin mo muna ako sa pagsasalita kasi.."

"Okay! Okay! Sige na, kwento na ulit, dali!"

At nagsimula ulit siyang magkwento.

"Yon na nga hindi kita namukhaan noong una tayong nagkita sa school pero nang makita ko ang magulang mo sa simbahan, natandaan ko na. Nagulat pa nga ako noon eh, pero syempre hindi ko pinahalata sainyo." seryosong kwento niya at saka nagbuntong-hininga. "Kaya nagresearch ako about sayo, I was curious who you really are then boom.." natatawang ani niya pa. "Doon ko nalaman na Tita mo pala ang Ate ko.."

"Doon ko nalaman na Tita mo pala ang Ate ko.."

"Doon ko nalaman na Tita mo pala ang Ate ko.."

"Doon ko nalaman na Tita mo pala ang Ate ko.."

Ilang beses pa iyon nagecho sa pandinig ko ang huling linya na binitawan niya.

Para akong binawian ng buhay. King ina sa kaOA-yan badtrip! Nanigas ang katawan ko, ni hindi ko magawang lumingon sa kanya kahit alam kong nakatitig siya sakin.

'Tito ko siya?!!!?!?!?!'

Gusto kong matawa sa iniisip ko pero nanatili lamang ako sa pwesto ko. Nakatitig lamang ako sa kahel na ulap.

Hindi ko alam kung paano magresponse sa kanya dahil sa nalaman ko.

'Kung Tito ko siya bakit niya pa rin ako niligawan 'di ba? What for?!'

Kung nananaginip man ako, gisingin niyo na ako! Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko at sa maaaring marinig ko mula sa kanya.

'Sino ka ba, Khel?'

Gusto kong magsalita pero nanatiling nakatikom ang bibig ko. Bahagyang nakabuka ito dahil sa sobrang pagkagulat ko. Kung ano man ang reaction ko sa mga sandaling ito ay hindi ko alam.

'NAKIPAGHALIKAN AKO SA TITO KO?!?!?! POTA*NA!!!!!'

SORRY, LORD. NAKAKAPAGMURA AKO SA MGA SANDALING ITO, HINDI KO KINAYA ANG BIG REVELATION NA 'TO!!! HUHUHUHUHUHUHUHUHU!

Parang nawala lahat ng lakas ko sa mga naisip ko. Parang humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan. Blangko lamang ang tingin ko, ang kaninang ganda ng dagat ay tila naglaho. Wala akong maramdaman kundi ang hiya at lungkot at the same time...

Finding My Way Back Home (COMPLETED)Where stories live. Discover now