Chapter 48

359 10 0
                                    


"Hoy!!!"

'ang epal...'

-.-

Wala sa sariling napatingin ako kung saan nagmula ang sigaw. Umayos na rin ng tayo si Khel at pinunasan ang sariling luha gano'n din ang ginawa ko.

Nakita ko namang palapit na si Zach kung na saan kami. Kasunod naman niya si Silbester na may kaakbay na babae. Tsk!

"Kanina pa kita hinahanap, saan ka ba nagsususuot?!" inis na tanong niya sakin, halatang hindi napansin si Khel na nasa likod ko lang.

"Tsk! Kanina pa ako dito, hindi ako umalis, kung dito ka dumeretso baka sakaling kanina mo pa ako nakita, pero dahil likas sa katawan mo ang pagiging babaero talagang nahatak ka ng katawan mo sa kanila at hindi sakin na kapatid mo.." seryoso pero may ngisi sa labing sabi ko sa kanya.

"Asa. Tsk!" halatang wala siyang maisagot sakin ah? Iba.

"Huwag ka ng makipagtalo dahil totoo naman ang sinasabi ko." sabi ko pa. Tiningnan ko siya pero sa iba na nakatingin. Hanggang ngayon nakikipagharutan pa rin si Silbester sa isang babaeng hindi niya kilala. Tsk.

"Kuya Khel?" takang tanong ni Zachary sa lalake'ng nasa likod ko.

"Yo!" bati ni Khel.

"Nice! Nice! Nice! Kaya pala hindi ko mahagilap itong Ate ko dahil may lalake pala siyang kasama dito. Hehehehehe!" nagyakap sila at mabilis ding naghiwalay. "Bakit ka nandito? I mean, ito kasing Ate ko kung makaasta nitong mga nakaraang buwan daig pa ang brokenhearted e hindi naman kayo.. Hehehe!"

"Talaga?" may excitement sa tonong tanong ni Khel.

"Yeah, and you know what, she really lo–" bigla kong tinakpan ang bibig niya. Bahagya pa akong tumikda dahil mas matangkad siya sakin.

"Manahimik ka na, walang nagtatanong ng opinyon mo.." inis na singhal ko sa kanya.

Hinawakan niya ang kamay ko at inalis sa bibig niya. "Hahahaha! Totoo naman– aray ko naman!" sinipa ko ang paa niya. "Brutal mo talaga! Buti nga ako nagsasabi para sayo e 'di ba't dapat ay noon pa, sabi mo pa nga e kung hindi ka lang nakatulog baka nasabi mo na sa kanya e."

"Tsk." singhal ko sa kanya. "Hindi tayo bati 'di ba?"

"Hindi nga ah. Tsk! Asa ka pang bati tayo." parang batang singhal niya.

"Teka– ano bang pinaguusapan niyo?" nagtatakang tanong ni Khel na hinarap kami pareho.

"Wala 'yon, huwag mo ng pansinin." sabi ko sa kanya pero base sa expression niya, hindi siya naniniwala sa sinabi ko.

"Tsk." rinig kong singhal ni Zach sa tabi. "Pinapahanap ka samin kasi kakain na daw." sabi niya pa. "Nice seeing you again, Kuya Khel. Sunod na lang kayo." baling niya kay Khel.

"Kuya Khel? Nice nandito ka rin pala?  Hehehehe! Paniguradong may magbabalik." hindi ko alam na nakalapit na pala si Silbester. Binigyan niya pa ako ng saglit na tingin. Hindi naman sumagot si Khel sa kanya at ngumiti lang. "Thank you nga pala," baling niya sa kanyang kasama.

"You're welcome." sagot ng babae bago umalis.

"Sino naman 'yon?" takang tanong ko.

"Si Kienna, isa sa mga babae ko.."

"Wow! Proud na proud ka pa ha?" sarkastikong tanong ko sa kanya.

"E siya naman itong lumapit sakin e, anong magagawa ko? Ipagtabuyan? Tsk, kalokohan! Kung biyaya na ang lumalapit sayo, huwag mo nang bitawan pa baka magsisi ka pa. Hehehe!"

"Tsk."

"Tara, tara na! Nagugutom na rin ako e." sabi ni Zachary at nangunang maglakad, sumunod naman si Sylvester sa kanya.

Finding My Way Back Home (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon