Chapter 34

384 8 0
                                    


"Remove this handcuff." ani Khel. Hindi ako nakinig sa kanya.

"Ayaw ko." sagot ko. Kung ito lamang ang tanging paraan para hindi siya umalis, gagawin ko.

"Ang tigas talaga ng ulo mo," aniya at nagbuntong hininga.

"Hindi ako si Almira Zogel kung hindi matigas ang ulo ko." tugon ko.

Nasanay na ako na nandito si Khel, kasama siya lagi, na lagi siyang kinukulit, sa kahambugan niya, sa presensiya niya. Nasanay na ako sa kanya. Ngayong sanay na ako sa kanya, saka pa niya naisipang umalis. Hindi katanggap-tanggap naman 'yon!

"Give me the key." aniya.

"Macky, salo!" sigaw ko at palubo kong binato ang susi na kanina ko pa hawak hawak. Buti na lang medyo nasa likod siya kaya nasalo niya.

"I got it!" sigaw niya at pinaglaro ang susi sa kamay.

"Macky, akin na ang susi." nagpipigil na si Khel ng galit. Halata sa kunot ng kanyang noo.

"Huwag Macky! Throw it somewhere basta huwag mong ibibigay sa kanya!" sigaw ko. Naglakad si Khel palapit kay Macky kaya napasunod ako. Hindi ko na naisip ang bagay na 'to. Kung na saan siya dapat ando'n ako.

"Sorry, president, pero kunin mo." sabi niya habang nakangisi. Pumorma si Macky na ibabato ang susi. Buong pwersa niyang binatikal ang susi sa bubong ng main building na may apat na palapag! Wth?

Narinig ko ang sunod sunod na buntong hininga si Khel. Nagsigawan sa tuwa naman ang mga kaklase namin dahil sa ginawa ni Macky. Napatalon pa ang iba.

"Hindi namin hiningi ang tulong mo noon pero tinulungan mo pa rin kami. Kaya tumutulong din kami sa abot na aming makakaya!" si Lara.

"Tama sila. Huwag ka nang umalis.. Hindi buo ang section kung wala ka." sabi ko.

"Asan ang duplicate key?" tanong niya sakin.

"Flin! Kumilos ka naman diyan oh! Pigilan mo rin 'tong isang 'to." hindi ko pinansin si Khel.

"Sorry, Almira pero kailangan nating respetuhin ang desisyon ni president." si Flin.

"Nadine! Pagsabihan mo yang si Flin na tulungan ako!" baling ko kay Nadine.

"Sorry, Almira pero ginawa ko na rin ang lahat. Nagdesisyo na siya, respetuhin na lang natin." aniya.

"Seryoso?" bumagsak ang balikat ko. So wala akong respeto dahil hindi ko kayang respetuhin ang desisyon nang iba? Edi wala rin silang respeto kasi hindi nila nirerespeto ang disesyon kong manatili siya!

"Almira," si Paula. "Hanggang doon na lang siguro."

"At least ginawa mo 'yong best mo para mapanatili siya." si Lara.

Kumuyom ang kamao ko. Hindi ko alam kung galit ba o sakit itong nararamdaman ko. Pero pwede kong iconsider na pareho. Galit dahil mauuwi lang sa wala ang plano at sakit dahil sa katotohanang aalis na ang hambog. Psh!

"Fine!" sumakit ang lalamunan ko sa pagpipigil ng luha. Kinuha ko sa bulsa ang duplicate key. "Ayan oh! Tanggalin mo na agad! Umalis ka na at huwag na huwag ka nang babalik dahil wala ka nang babalikan!" shet! Hindi ko mapigilang mapahikbi. Kainis naman oh.

Ramdam ko ang mga titig ng mga kaklase ko samin. Hindi ko na inisip kung magmukha akong desperada yon lang talaga ang gusto kong gawin at sinusunod ko lamang kung anong gusto ko. Kung mali ito para sa kanila, ito naman ang tama para sakin.

"Sige na! Alisin mo na at umalis ka na! Bago pa magbago ang isip ko!" nakatitig lamang si Khel sakin.

Nakipaglaban ako ng titigan sa kanya. Kahit tumutulo ang luha ko wala na akong pakealam. Magmukha man akong mahina, hindi ko na inisip iyon.

Finding My Way Back Home (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon