Chapter 13

456 13 0
                                    


Nang matapos ang mga klase ay masaya akong nagligpit ng gamit ko. Gaya ng inaasahan ay hindi pumasok si Khel dahil sa trabaho niya. Bakit hindi na lang muna siya pumasok bago magtrabaho? 

Gaya nga nang una kong sinabi ang Jade International University ay isang kilalang school at tanging mayayaman lamang ang nakakapasok. Kahit magtrabaho ka pa magdamag bilang isang waiter baka kulangin ka pa rin. Kung schoolar ka naman baka kulangin ka pa rin dahil sa other fees at miscellaneous fees pa etc. Kahit alam kong alam ko na ang sagot sa tanong ko hindi ko maiwasang mapaisip.

Asan na kaya ang mga magulang niya? Bakit magisa lang siya gaya ng sinabi ni Robin sakin kanina?

Nang makalabas ako ng campus ay tumawid agad ako sa kabilang kalye dala-dala ang binili kong blueberry cake sa canteen kanina. Balak ko sanang bigyan si Robin. Natuwa kasi ako sa kanya. Sobrang tapang niya para harapin ang katotohanang mag-isa siya. Sobrang tapang niya sa paraang hindi niya kailangang makipagsuntukan para masabing matapang siya kundi sa pagharap sa katotohanang wala ang Nanay niya at handa siyang hintayin ito kahit gaano pa katagal. Nakakabilib na bata...

Walang Robin akong naabutan sa labas ng book store kagaya nang kanina. Kaya sinubukan kong pumasok sa loob ng book store since nasabi ni Robin na tinutulungan niya ang Ate Riri niya na mag ayos ng mga libro rito.

Tumunog ang chimes sa may itaas ng pinto pagkabukas ko. Napatingin naman sakin ang babaeng mid 40s na siguro. Nakasuot ito ng salamin at casual na kasuotan. Makikita pa rin sa katawan ang kasexyhan dahil sa suot nito. May katangkaran ito kumpara sakin. Morena ang kanyang balat at nagsisigawan sa pagkagalit ang pula niyang labi. Buhat buhat naman niya ang ilang mga libro. Marami rin ang customer ang nagbabasa sa loob ng book store.

"Good afternoon, tuloy po kayo." bati sakin nito na sapalagay ko ay si Ate Riri na tinutukoy ni Robin.

"Ate!" may tumawag sakin sa gilid ko. Nabusesan ko agad kaya agad akong napalingon sa gawi ni Robin.

"Napadaan ka ate? Hinanap mo po ba si Kuya? Nasa trabaho pa 'yon sigurado ako. Baka mga 11 o 12pm pa ang dating no'n." paliwanag ni Robin na galak na galak.

Sa kabila ng kanyang estado sa buhay ay nagagawa pa niyang magsaya. Tama nga sila na wala sa materyal na bagay ang tunay na kaligayan, kundi sa kung paano mo pahalagahan ang mga maliit na bagay na meron ka. At nakikita ko 'yon sa Batang Robin.

"Magkakilala kayo?" tanong ni Ate Riri sa palagay ko ang pangalan.

"Ah opo, Ate Riri si Ate Almira po pala. Ate Almira si Ate Riri po." sa edad ni Robin hindi ko maiwasang hindi humanga dahil sa kanyang respesto at paggalang sa nakakatanda.

"Hello po!" nakipag shake hands ako sa kanya. "Kayo po pala ang tumutulong kay Robin?" nakangiting tanong ko.

Tumango siya. "Simula nang iwan siya rito sa harap ng book store ay kinupkop ko na siya. Naaawa rin kasi ako ehh, saka wala rin akong kasama rito sa pagaabyad sa book store ko, tinutulungan naman ako ni Khel sa bata kaya hindi rin ako nahihirapan," napatingin naman ako kay Robin na nagsasalansan ng mga libro. Binubuklat-buklat ang ilang pahina bago ilalagay sa mga napili na niya.

"Siguradong lalaki si Robin na matalino," wala sa sariling usal ko habang nakangiting pinagmasdan si Robin.

"Sinong si Robin?" paguusisa ni Ate Riri na nagsasalansan na rin ng libro.

"Si Bata po. Binigyan ko po ng pangalan kanina kasi wala raw siyang pangalan." sabi ko naman.

"Ah I see. Kailan nga pala kayo nagkakilala ni Bata— Robin na pala." sabi ni Ate Riri at natatawa kasi nalimutan niyang may pangalan na si Bata.

Finding My Way Back Home (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon