Chapter 31

368 10 0
                                    


Hindi ko alam kung anong oras ako nagising kinabukasan. Gising na ako pero hindi ko magawang gumalaw, nakakatamad. Kanina pa rin nagaalma ang tiyan ko pero wala akong ginawa kundi indahin iyon.

Kumatok din sina mama at daddy pero hindi ko sila pinagbuksan. Nagpanggap akong tulog pa. Weekend ngayon. May gusto akong puntahan pero hindi ko alam kung saan at sino ang pwedeng kasama. Psh!

Tumayo ako sa pagkakahiga. Pumunta akong minibar at kumuha ng pwede kong makain. May tubig naman dito at iilang mga snacks na hindi kayang punan ang umaalma kong sikmura. But this will do. Ayaw ko lang talagang lumabas. Tatalakan lamang ako nina mama at daddy kung anong nangyari kahapon. Ayaw kong makarinig muna ng sermon.. Last night was doomed.

Binuhay ko na lamang ang ps4. Namili ako ng mga games. Sa dami ng mga games dito tekken pa rin ang binagsakan ko. Dumapa ako sa kama habang ang mga pagkain ay nasa harapan ko.

Naglalaro na ako nang biglang may kumatok sa pinto. Napatigil ako sa pagpindot sa controller at tinitigan ang pinto na para bang may lalabas dun na something.

"Almira," tawag nito sakin. Hindi ako nagsalita. Kilala ko ang boses na iyon. "Buksan mo 'to."

"Almira, alam naming nandiyan ka. Sabi ni tita hindi ka pa daw kumakain." sabi ng isang babae.

Dahan dahan akong tumayo sa pagkakadapa. Pumasok ako sa CR. Gamit ang duplicate key kasi ay binubuksan na nila ang pinto. They might caught me in such state. Kaya mas mabuting magtago na lang.

Sumampa ako sa lavatory sink at binuksan ang secret passage ko sa kisame. Hinayaan ko namang bukas ang pinto ng CR at sumilip sa maliit na siwang ng kisame kung saan ako nagtatago.

Pumasok sila sa kwarto ko. Shet! Bukas nga pala ang ps4 plus ang mga pagkain kong nagkalat sa kama. Baka mahalatang nagtatago lang ako.

"Almira," tawag muli nila. Medyo sacrifice talaga itong ginagawa ko. Pwede ko naman silang harapin pero may pumipigil sakin na huwag muna.

Mula sa siwang sa kisama ay nakikita ko sila. Buti bukas ang CR at makikita ko sila mula rito. Binuksan nila ang walk-in closet ko. Hala makikita nila ang undies ko! Huhuhu! Saka yong box na puno ng mga memories, pictures, letters, gifts and the likes.

Tumigil ako sa paghinga ng pumasok sila sa CR. Kitang kita ko naman ang bunbunan ni Flin at Nadine.

"Saan kaya 'yon?" tanong ni Almira.

"Ewan ko. Pero nandito lang yon sa bahay, nagtatago." ipapahamak pa ako nitong ni Flin eh. Ang init kaya dito sa kisame!

Sumilip sila sa shower area tapos sa bintana. Hindi ko kayang tumalon diyan! Mataas na masyado. Inilibot nila ang paningin nila hanggang sa dumako ang paningin nila sa bowl. Binuksan nila ang takip nun. Tanga! Hindi ako kasya sa bowl! Hahaha! Napatakip ako sa sariling bibig dahil sa pagpipigil ng tawa.

Muli nilang inilibot ang paningin at napatingin sila sa kisame. Patay na! Nangunot ang noo ni Flin habang pinagmamasdan ang kunting siwang na ginawa ko. Shet! Tinuon ni Flin ang mga kamay sa lavatory sink at sumampa.

"Hoy, anong ginagawa mo? Bumaba ka nga diyan!" saway ni Nadine.

"Wait lang." aniya.

"Bumaba ka na diyan baka mahulog ka pa diyan eh!" si Nadine. Yan good Nadine. Pagsabihan mo yang boyfriend mo para hindi na ako makita dito. I'll treat you mojacko tomorrow or the day after tomorrow.

"Para kasing may tao" si Flin.

"Paano magkakatao diyan aber? Baka lumabas si Almira bago tayo makarating. Or maybe it was just a rat fooling around." walang daga sa bahay Nadine.

Finding My Way Back Home (COMPLETED)Where stories live. Discover now