Chapter 5 Encounter

21.3K 881 92
                                    

"You're the one who never let me sleep. You're into my mind and to my soul and you touch my lips."


Snow POV


"Who's Rain?" Clueless na tanong ko kay Miranda habang nasa mini library kaming dalawa at abala sa pagpaplano nung gagawin naming movie.

Bukas pa kasi darating yung mga team ko galing France. Mga kasamahan ko din sila sa pagbuo nung movie na isinali ko sa film festival. Kapareho ko din silang Pilipino, yung isa pa nga half half. Kalahating lalake at kalahating babae ang ibig kong sabihin.

Gamay ko na kasi sila bilang mga crew. At ito ngang si Miranda, a certain Rain Medina daw ang gusto niyang gumanap sa part ni Lianne. Isa sa mga bida sa kwento. Paano, idol na idol niya daw iyon.

"Hindi mo siya kilala?" Maang na tanong niya sa akin. Nagkibit balikat lang ako sa kanya. "Saang planeta ka ba galing?"

"Why don't you just simply answer my question?" Balik tanong ko sa kanya.

She rolled her eyes. "Isa lang naman siya sa sikat na artista dito sa Pilipinas." Saad niya. "Di ba dapat kilala mo yung mga artista dito dahil nga direktor ka?"

"Miranda," Napatayo mula sa swivel chair na bigkas ko at naglakad papalapit sa kanya. Nakasalampak siya sa carpeted floor at nakaharap sa bago kong biling laptop, na siyang regalo ko na sa kanya. "Hindi naman porke't direktor ako, dapat kilala ko na lahat ng mga artista dito sa Pilipinas. Besides, hindi naman ako dito naglagi." Naupo ako sa couch malapit sa kinaroroonan niya.

Napailing iling na lang siya at nag-type sa laptop. "Heto siya o!" Saka inikot paharap sa akin yung laptop.

Isang maganda at maputing babae ang tumambad sa paningin ko. Parang hindi siya purong Pinay. Ang ganda ng kulay itim na mahaba niyang buhok, yung eyebrows niya na medyo may kakapalan, yung mga ngiti niya at yung mata niyang kulay dark brown. She looks like an angel.

"How old is she?" Tanong ko sa kanya na sa litrato pa rin nakatingin.

"Turning twenty two." Tugon niya. "And guess what, magka-birthday pa kayo!"

I'm turning twenty one three months from now. So ganun din siya kung magkapareho kami ng kaarawan. Sa unang tingin ko akala ko mas bata pa siya sa akin dahil nga baby face siya. Ang amo ng mukha niya.

"Enough." Sabi ni Mira at inikot paharap ulit sa kanya nung laptop. "Ang ganda 'no?" She even wiggled her eyebrows. Pero ayoko nung mga ngiti niyang parang nanunukso.

Naipilig ko yung ulo ko para gisingin yung sarili ko. "Maganda." Parang balewala lang na tugon ko at nakita ko yung pagnguso niya. "Magaling ba yan umarte?"

"Oo naman!" Mabilis na sagot niya.

"Pag-iisipan ko." Sabi ko saka sumandal sa upuan.

"Snow naman eh!" Mas lalo na siyang ngumuso at parang bata pa na tumabi sa akin at naglambing. "Sige na kasi! Siya ang gusto kong gumanap. Wala ng iba!" Giit niya.

"Pag-iisipan ko muna. Isa pa, hindi lang naman ako o ikaw ang magdedesisyon dito, meron tayong crew na tinatawag. At may bahala na sa casting." Paliwanag ko sa kanya.

"Please!" Mangiyak-ngiyak na pakiusap niya. Napatingala ako sa kisame. "Sige na. Birthday ko na sa susunod na buwan. Kahit ito na lang ang iregalo mo sa akin."

Bigla naman akong nagbaling sa kanya ng tingin. "Hayan na nga o!" Sabay turo sa laptop niya. "Hayan na nga yung regalo ko."

"Eeeh!" Protesta niya. "Sige na kasi! Siya ang gusto ko!"

Rain & SnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon