Chapter 12 Can't Keep

21.6K 834 138
                                    

"Can't keep myself from thinking of you..."


Rain POV


"Ihahatid pa ba kita sa taas ate?" Tanong sa akin ni Marie ng makababa ako ng van.

"Hindi na." Sagot ko.

Pagod na pagod ako. Pagkatapos na pagkatapos kasi ng last shooting kanina bumiyahe na ulit kami pabalik ng Manila. May pictorials pa ako sa isang sikat na magazine bukas ng hapon. Ako kasi ang kinuha nilang cover girl sa next issue nila.

"May nakasunod kaya sa atin kanina." Pabulong na sabi niya.

"Hayaan mo sila." Tugon ko.

The last thing I want to do right now is to entertain the press. Isa pa, past eleven na ng gabi. Gusto ko ng magpahinga.

"Sige, ingat kayo. Daanan niyo na lang ulit ako dito bukas mga one." Two thirty pa yung photoshoot pero syempre kailangan ko pumunta ng mas maaga baka traffic.

"Okay 'te." Tugon ni Marie.

Kumaway pa siya sa akin bago sila umalis sa harapan ng condominium building ni Snow.

Bitbit ang pasalubong ko para kay Miranda, naglakad na ako papasok ng building. Alam kong may photographer na kumukuha na sa akin ngayon ng mga pictures habang papasok sa building. And no wonder kung isa sa mga araw na 'to, laman na naman kami ni Snow ng balita.

"Magandang gabi, Miss Rain." Bati sa akin nung guard na naka-duty. Naka-smile pa.

Ngumiti din ako sa kanya. "Magandang gabi din."

Saka tumuloy na papuntang elevator. Pumasok na ako sa loob nun at pagkapindot ko sa floor ng tinutuluyan ko ay napasandal ako sa pader ng elevator. Napasapo ako sa ulo ko. Antok na antok na talaga ako. Pakiramdam ko nga nakaidlip ako at nagulat pa nung tumunog yung elevator ng marating ko yung floor ko.

Lumabas na ako dun at naglakad na papunta sa pintuan ng condo. Si Miranda nagbigay at nag-asikaso para dito sa card key ko dahil para namang walang balak yung masungit na kaibigan niya para ikuhanan ako ng extra'ng card key.

Pumasok na ako sa loob at ni-lock yung pinto. Papunta na sana ako sa hagdan ng masulyapan kong may nakahiga sa couch sa may living room. Kunot-noong lumapit ako para tingnan kung sino yung nakahiga doon.

"Snow?" Mahinang sambit ko ng makilala ko kung sino yung nakahiga dun.

Himbing na himbing yung tulog niya. Bahagya ko pa ngang naririnig yung mahinang paghilik niya. At bahagya pang nakaawang yung bibig niya.

Naupo ako sa gilid niya pagkalapag ko ng dala ko sa may center table at pinagmasdan siyang maigi. Relax yung itsura niya ngayon. Hindi katulad ng palagi kong nakikita na masungit at kulang na lang mag-isang linya na lang yung mga kilay niya.

Bumaba yung mga mata ko sa labi niya. Naalala ko na naman yung nangyare sa amin sa loob ng shower room nung isang araw. Aba, ginulo niya ang isip ko dahil dun. Nakailang takes ba ako kahapon at kanina sa mga eksena ko? Pilit kasi siyang sumasagi sa isipan ko kahit di naman dapat.

Haist. Dalawang araw ko lang 'tong mokong na 'to na di nakita pero bakit parang na-miss ko yung pag-aaway namin? Yung mga pagsasagutan namin?

Napahikab ako. Mag-aalas dose na. Wala sa sariling humiga ako sa tabi ni Snow at pumikit na para matulog. Sa mga braso niya ako nag-unan at nakisiksik sa di naman ganun kalapad na couch.

Dinig na dinig ko yung pagtibok ng puso niya, at pati na din yung mabining paghinga niya. Napangiti ako ng maamoy ko yung pabango niya.

Nasa ganun akong ayos ng bigla siyang gumalaw dahilan para mahulog ako sa couch at tumama yung puwet ko sa sahig.

Rain & SnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon