Chapter 18 Rain-ing Beauties

22.5K 906 204
                                    

"The only thing we never get enough of is love; and the only thing we never give enough of is love."


Snow POV


Hawak-hawak ko yung kamay ni Rain habang papasok kami sa loob ng bahay nina tita Alex. Napasulyap ako sa kanya habang pasimple siyang napapabuga ng hangin. Bahagya kong pinisil yung hawak kong kamay niya at nginitian siya ng tipid ng nagbaling siya sa akin ng tingin.

"Snowy!"

Sabay kaming nagbaling ng tingin kay Taylor ng salubungin kami sa may bukas na pinto papuntang likod bahay nila dahil nandun silang lahat. Kasama niya si Hailey na lumapit sa amin.

"Hi guys!" Nakangiting bati ko sa kanila.

Bahagya lang akong niyakap nung dalawa at nagbaling sila ng tingin kay Rain na tahimik lang sa tabi ko.

"By the way, this is Rain." Pakilala ko sa kanya sa magpinsan. "Rain si Hailey at si Taz." Sabay mosyon ko sa kanila, respectively.

"Oh hi, Rain." Nakangiting bati ni Hailey sa kanya at hinalikan ito sa pisngi. "Mas maganda ka talaga sa personal." Komento niya.

"Salamat." Parang nahihiyang sabi ni Rain dito.

"Miss Rain." Sabi ni Taz at ang mokong na 'to kinuha yung kamay ni Rain at hinalikan sa likod.

"Hello." May tipid na ngiting bati ni Rain dito.

Pero mas ikinagulat ko yung sunod na ginawa ni Taz. Hindi pa niya nabibitawan yung kamay ni Rain ay binigyan niya ng smack sa labi yung huli.

"Woah!" Natatawang bulalas ni Hailey.

Ako naman natatawang napailing na lang ako. Si Rain nabigla sa ginawa ni Taylor. I should've known her better. Sabi ko sa sarili ko.

"That's my way of welcoming you to our circle." Nakangiti ng pilyang sabi ni Taz ng pagkatapos.

Tinapik ni Hailey yung balikat ni Taz. "You're crazy!" Sabi niya. "You know what Rain?" Sabi niya kay Rain na hanggang ngayon di pa yata naka-get over sa ginawa nung isa. "Pag pasensyahan mo na 'tong pinsan ko. Ganyan talaga yan lahat yata ng magagandang babae nahalikan na yata niyan."

Parang proud pa ang pinsan niya sa sinabi ni Hailey. Nasa ganun kaming pag-uusap ng sumulpot si Ashley.

"Hey kiddo!" Bati niya sa akin.

"Ash." Malawak ang ngiting sinalubong niya ako ng yakap at halik sa pisngi.

"Rain Scarlet right?" Baling niya kay Rain. Tumango lang si Rain na di na yata makakibo. "Ashley Gray. Closed friend ko 'tong girlfriend mo." Saka inilahad ang kamay sa kanya.

Gusto ko sana siyang itama pero hinayaan ko na lang na ganun ang isipin niya... sa ngayon. Isa pa, di rin naman komontra itong si Rain.

May alinlangan pa si Rain kung tatanggapin ba niya yung pakikipagkamay ni Ash o hindi. Pigil naman ang pagngisi nung dalawa pa niyang pinsan.

"Oh, don't worry." Nakangiting sabi ni Ash sa kanya ng hindi pa tinatanggap ni Rain yung pakikipagkamay niya. "I'm harmless compare to these two maggots." Biro niya.

Only then Rain accepted her for a handshake. Ngumiti na din ng tipid si Rain kay Ashley.

"Tayo na sa likod." Aya sa amin ni Ash.

Nauna na siya naglakad ngunit bago siya makalagpas kay Taz ay tinapik nito ang tiyan nung huli dahilan para mapangiwi siya.

"Let's go." Sabi ko kay Rain at hinawakan siya sa likod ng beywang at sabay na kaming naglakad papunta sa mga Montalban.

Rain & SnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon