Chapter 17 Her World

22.7K 929 225
                                    

"Love is not about sex, emotions and songs; It's about purity, decision, and actions."


Rain POV


Nagme-memorize ako ng mga linya ko ng bumukas yung pintuan sa loob ng dressing room at pumasok si Jona. Saglit ko lang siyang sinulyapan at muling itinuon ang atensyon sa binabasa ko habang busy'ng busy naman yung hair stylist ko sa pag-aayos nung buhok ko.

Nasa taping kasi ako ngayon ng comedy show kung saan ako kabilang. Nag-oovertime ako palagi in lieu nga dun sa hiningi kong bakasyon kay Jona ngayong Huwebes at Biyernes na.

"Mukhang napapalapit ka na sa kanya." Komento ni Jona na nakaupo sa monoblock chair sa gilid.

"Who?" Tanong ko pero nasa binabasa ko pa rin ang atensyon ko.

"Alam mo kung sinong tinutukoy ko." Sagot niya.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. "Hindi naman siya mahirap pakisamahan." Tugon ko. "Nung una oo, dahil palaging nauuwi sa bangayan at sagutan yung usapan namin. Pero lately naging maayos na naman yung pakikitungo namin sa isa't isa." Honest na sagot ko.

"Can you at least elaborate kung gaano kaayos ang pakikitungo niyo sa isa't isa?" May himig panunuksong saad niya.

I rolled my eyes. "Jona, alam mo naman kung bakit ako nasa puder niya ngayon." Bumaba ako sa kinauupuan ko ng matapos akong ayusan at nagtanggal ng robe.

Sanay naman na akong nagbibihis sa harapan nila. Sanay na din silang makitang nakabandera ang katawan ko. Kaya it's no big deal.

"Rain," Sambit niya na lumapit sa akin para tulungan akong magbihis. "I know you. I saw you grew in this industry. Alam ko kung kailan may ibang kislap ang mga mata mo at kung kailan ka malungkot." Litanya niya. "And I can see how happy you are with her."

"I'm straight, Jona." Dahilan ko.

"Lahat naman ng hindi pa naiin love sa kaparehas nila ganyan ang sinasabi. Pero kapag nain love na, bumabaluktot na." Makahulugang sagot niya. "Isa pa, nowadays, hindi mo naman na kailangan maglagay ng label sa kung ano ka. It doesn't matter anymore."

Natawa ako ng bahagya. "I'm not in love with her." Depensa ko. "I am enjoying her company, that's all. Nothing's special going on between us."

Nakangiting napailing siya. Hindi naniniwala sa sinasabi ko. Di na lang ako kumibo at hinayaan ko na lang yung makeup artist ko na make upan ako.

Ilang sandali pa nga'y nagsimula na ang taping. Kinuhanan na yung mga parte ko. Nakailang palit din ako ng damit at ilang ayos din ang ginawa sa akin.

At as usual, pagod na naman ako ng matapos yung taping. Madaling araw na yata ng maihatid ako nila Marie sa condo.

Halos babagsak na yung katawan ko. Inaantok na din ako. Buti na lang bukas wala akong schedule hanggang four ng hapon. Makakapagpahinga ako kahit papaano.

"Ba't gising ka pa?" Tanong ko kay Snow ng maabutan ko siya sa living room na nanonood.

"Hinihintay ka." Tugon niya at tumayo mula sa mahabang couch para salubungin ako pagkatapos niyang mai-off yung tv. "You look so tired." Puna niya na hinawakan ako sa magkabilang pisngi.

Yumakap ako sa beywang niya at inihilig ko yung mukha ko sa may balikat niya.

"I'm dying." Exaggerated na sabi ko.

To my surprise, binuhat niya ako, bridal style. "Hindi ko hahayaan." Nakangiting sabi niya.

"Hindi na ako magpro-protesta dahil pagod ako." Sabi ko at iniyakap ko sa kanyang batok yung kamay ko.

Rain & SnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon