Chapter 29 State of Undress

24.7K 933 75
                                    

"Give me what no other has ever gotten and I'll give you what others tried to get."


Rain POV


"Okay guys, lunch break muna tayo." Sigaw ng unit director.

Kakatapos lang ng table reading. Naging maayos naman na yung ginawang script ni Miranda.

"Here."

Narinig kong sabi ni Snow sa akin ng lumapit siya sa kinauupuan ko na may dalang pagkain. Inilapag niya iyon sa harapan ko. Abala kasi ako sa pagte-text kay Jona na magkikita na lang kami dun sa mall mamya. Ihahatid na lang daw kasi ako ni Snow.

"Thank you." Sabay ngiting sabi ko sa kanya.

Naupo siya sa tabi ko, habang yung iba may kanya-kanyang table at kasama sa pinagdarausan ng pananghalian.

"Nasabi mo na ba kay Jona?" Tanong niya sa akin.

Inilapag ko yung cellphone ko sa ibabaw ng lamesa. "Na-text ko na. Hindi naman niya sinasagot yung mga tawag ko. Sabi pa nga pupunta siya dito para kausapin tayo."

"Hayaan mo na nga muna. Kumain ka para naman magkalaman ka ng konti." May panunuksong sabi niya. "Para di lang yang dibdib mo ang malusog."

Mabilis ko siyang kinurot sa tagiliran na agad na ikinahiyaw niya sa sakit. Napatingin pa nga yung iba sa amin eh.

"Ang bastos mo talaga kahit kailan." Sabay irap sa kanya.

"Binibiro ka lang naman." Nakangiwi pa ring sabi niya.

"Sige sabihin mo ngayon sa akin na nagbibiro ka lang nung sinabi mong malusog yung dibdib ko." Hamon ko naman sa kanya.

Napatingin siya dun saka napangisi. Kukurutin ko na naman sana siya pero mabilis niyang nahawakan yung kamay ko.

"Rain Scarlet ha?" Babala niya. "Nakakailang kurot ka na sa akin simula kahapon."

"Sinong may kasalanan?" Ganti ko.

"Pasalamat ka..." She trailed off.

"Pasalamat ako ano?" Mataray na sabi ko.

"Lagot ka sa akin mamya." Panakot pa niya.

"Ewan ko sayo." Nakangusong sabi ko saka nagsimula ng kumain.

Lihim naman akong napangiti dahil alam niyang no rice ako ngayon. Gulay at isda lang ang inilagay niya sa plato ko.

"O." Sabay pa kaming napalingon kay Miranda ng tumabi siya kay Snow na may dalang dalawang basong inumin. "Fresh buko juice yan."

Ngumiti ako sa kanya bilang pasasalamat ko at agad na uminom sa pamamagitan ng straw nung dala niya.

"Rain." Tawag ni Miranda sa akin kapagkuwan habang kumakain na ako.

"Hmm?" Di man lang ako nag-abalang mag-angat ng tingin.

"Pwede bang magpa-autograph sayo mamya pagdating mo sa bahay?" Tanong niya sa akin.

"Sure." Tugon ko naman. "Lagi naman tayong magkasama sa bahay, ba't ngayon ka lang nagsabi?"

"Eh..." May alinlangang bigkas niya.

Napapagitnaan kasi namin si Snow na ang takaw takaw kumain. Di naman siya tumataba.

"Hindi lang naman kasi ako." Sabi ni Mira.

Bigla namang natigilan si Snow sa pagkain at hinarap ang kaibigan. "Anong ibig mong sabihin na hindi lang ikaw ang magpapa-autograph sa kanya?" Kunot noong tanong niya.

Rain & SnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon