Chapter 30 Lost in You

23.4K 904 151
                                    

"Sleeping is nice, but lying next to you is much better."



Snow POV


Malalim na ang gabi pero nandito pa rin ako sa loob ng mini library. Nakatutok ang mga paningin ko sa hawak na sketches. Magsisimula na kami sa first leg ng shooting next week.

"Ba't gising ka pa?"

Narinig kong tanong sa akin ni Rain habang papasok siya sa loob na nakapantulog na suot ang fitted tanktop at undies saka pinatungan niya ng silk robe na di naman nakabuhol. Para tuloy siyang nagmomodel ng lingeries habang naglalakad papalapit sa akin.

"Hey." She snapped her fingers on my face. "Natulala ka na diyan." Saka sumandal sa lamesa at humalukipkip paharap sa akin.

"Kanina ka pa dumating?" Tanong ko.

Tinapos yata kasi nila yung photoshoot ng magazine ni tita Abby kaya medyo ginabi na naman siya ng uwi.

"Nope." Tugon niya. "Ano yan?" Tanong niya sa mga hawak kong papel.

"Sketches nung gagawing trailer nung movie." Sagot ko saka inilapag na ang mga yun sa lamesa.

May pag-aalala sa mukha niya ng muling magsalita. "Uso kaya ang magpahinga."

Napangiti naman ako saka sumandal sa swivel chair at pinagmasdan siya.

"Likewise, Mrs. Cervantez." Nakaangat ang gilid ng labing sabi ko.

"Iba naman yung case ko." Sagot niya.

Hindi ako agad nakasagot. This past three days, hindi kami masyado nagkikita dahil hectic yung schedules niya. Kung di pa ako late matutulog ngayon, di ko na siya makakausap ng ganito.

"I miss you." I uttered.

Bahagya siyang napangiti saka lumapit sa akin. Naupo siya sa lap ko, paharap sa akin, saka ikinawit niya yung mga kamay niya sa batok ko.

"I miss you too." She replied.

Hinawakan ko siya sa balakang para suportahan ang kanyang likod.

"Let's go to bed." Aya niya sa akin kapagkuwan.

Inalalayan ko na siyang makatayo at magkahawak kamay kaming lumabas ng library at pumasok na sa kuwarto para matulog na.

"Are you okay?" Tanong ko sa kanya ng mapansing parang tahimik siya at napapabuntong-hininga.

Bahagya niyang iniangat ang ulo mula sa pagkakaunan niya sa balikat ko.

"Iniisip ko lang yung Magic Ball." Sagot niya.

Napakunot noo naman ako. "Ano yun?"

"Isa iyong party na dinadaluhan ng lahat ng talent ng network na kinabibilangan ko." Sagot niya. "Lahat ng kabilang dun ay dapat na dumalo, unless may sakit ka or napakaimportante yung rason mo kung bakit di ka makakadalo. It's an annual event."

Napaisip ako. "Kung lahat kayo dapat na um-attend, eh di nandun din si Justin?"

She nodded twice. "Yes." Sagot niya. "And Angel too."

"At yun ba ang gumugulo sa isipan mo ngayon?" Tanong ko.

She nodded again, twice, as distresses visible in her eyes. Napaisip na naman ako.

"Ano bang kailangan mo para hindi ka na mag-worry diyan?" I asked, concerned.

"A date." Maikling tugon niya. "I need a date this coming Saturday."

Rain & SnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon