Chapter 8 Stay In

22.3K 908 165
                                    

"I didn't choose you. I just took one look at you, and then - there was just no turning back."


Rain POV


"Ikaw na naman?" Gulat na bigkas ni Snow ng makita niya ako.

Napangiti lang ako sa kanya habang naka-indian sit sa gitna ng kama niya, wearing my usual hoodie para makapagtago sa mga media.

"Ano na naman bang ginagawa mo dito?" Napameywang na tanong pa niya.

"Cyd!" Saway sa kanya ni Mira. "Wag ka ngang ganyan!"

"No it's okay." Singit ko.

Napatingin silang dalawa sa akin. Nang nagpunta ako dito kanina, si Miranda ang nagbukas ng pinto para sa akin. Hindi ko na ginamit yung blank card key ko kasi nakakahiya na sa kanya.

Bestfriend at itinuturing na pala niyang kapatid si Miranda. Akala ko nung una girlfriend niya ito. Gulat na gulat pa ito ng makita ako. Nagtitili pa nga eh. Pero mabilis kong tinakpan yung bibig niya para di makatawag ng pansin at pumasok na sa loob ng condo ni Snow kahit wala pa siyang anyaya.

Hanggang nga sa kumalma na siya. Di daw siya makapaniwalang ako yung nasa harapan niya. Iniidolo daw talaga niya kasi ako kaya ganun na lang yung tuwa niya na makita ako sa personal. Panay pa nga ang yakap niya sa akin kanina. Tapos nakwento niya sa akin na siya pala ang writer nung gagawing movie nila Snow at ako daw talaga ang gusto niyang gumanap sa isa sa mga lead roles. Kaya naabutan kami ni Snow dun sa kuwarto niya dahil nga binabasa niya sa akin yung sample nung script. Nakakatuwa nga siya. May pagka-isip bata.

Bumaba ako ng kama ni Snow at lumapit sa kanya. "Nagpunta ako dito para sana makausap ka." Sabi ko.

Tinitigan lang niya ako at di kumibo. Napayuko ako dahil pakiramdam ko talaga nababasa niya kung anong tumatakbo sa utak ko.

"Hoy, Cyd." Si Mira. "Wag ka ng magalit diyan kay Rain."

"Isa ka pa eh." Baling niya sa kaibigan. "Bakit dito sa kuwarto ko pa mo siya dinala?"

Napakamot siya sa ulo. "Eh kasi..." Parang bigla pa itong nag-alangan. "Mas malinis at mas maayos kuwarto mo kaysa sa akin."

Snow rolled her eyes. Ako naman di ko mapigilang ma-amused sa kanilang dalawa. Halatang closed na closed nga silang dalawa sa isa't isa.

"Mira may living room naman sa baba." Sermon niya sa kaibigan. "Bakit kailangang dito pa?"

"Binasa ko lang naman sa kanya yung script." Dahilan naman ni Mira. "Isa pa, nasa kuwarto mo kasi 'to eh." Sabay taas sa hawak na papel.

"Ang dami mo pang palusot." Reklamo niya sa kaibigan.

"Wag ka ng magalit kay Mira." Sabay sulyap kay Miranda na parang biglang namula ng ipinagtanggol ko siya. "Kasalanan ko naman." Pag-ako ko. "Gusto lang kasi kita makausap."

Hindi na naman niya ako kinibo. Poker face lang siyang napatingin sa akin. Sabay pa kaming napatingin ng naglakad si Miranda papuntang pintuan.

"O saan ka pupunta?" Tanong ni Snow sa kanya.

"Lalabas." Matter of fact na sabi niya saka itinuro ang pintuan. "Gusto ka daw makausap eh."

"So?" Patay malisyang sagot ni Snow sa kanya. "Pwede ka namang manatili." Saka siya humalukipkip.

"Syempre, kailangan ninyo ng privacy." Depensa naman nung isa.

"Privacy?" Snow repeated. "Ngayon ka pa natuto sa privacy privacy na yan." Kontra niya.

Rain & SnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon