BIGTI SA SCHOOL

867 34 1
                                    

BIGTI SA SCHOOLBY Alex Asc

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

BIGTI SA SCHOOL
BY Alex Asc

Hindi man naisin ni Vince ngunit kailangan niyang lisanin ang kinalakihang Maynila at lumipat sa kanilang probinsya.

Dahil nanganganib na ang kaniyang buhay. Sunod-sunod na pinatay ang tatlo niyang matalik na kaibigan ng wala man lang nakakaalam kung sino ang salarin.

Si Vince na yata ang lalaking kumpleto sa kalokohan, basagulero, kung saan-saan nali-link na gangs, group o fraternity sa school kung kaya't paulit-ulit siyang isinisuka ng school. Ngunit dahil mayaman ang mga magulang, nadadaan na lang nila sa pera ang lahat,.

Adik at babaero rin siya at gabi-gabing nasa gimikan o club kasama ng barkada.

Ang grupo niya, si Bradley, si Luis, at si Jack ay namatay na. Sunod-sunod ang pagpatay sa kanila, at may hinihinala nang suspek. Ngunit dahil sa kalagayan ng lalaking suspek ay 'di nila mapatunayan kung siya ba ang may kagagawan ng lahat ng krimen.

Si Mang Domeng ang pinanghihinalaan nilang killer, ang ama ng lalaking aksidente nilang napatay sa hazing. Nagsampa ng kaso si Mang Domeng upang makulong ang apat. Nagka-hearing sa court, pero sa huli, walang nangyari sa kaso.

Bulok talaga ang sistema sa Pilipinas, totoo siguro ang sabi-sabi, na lahat ng bagay ay nabibili ng pera.

Dahil mukhang binili ng mayayamang magulang ng mga bata ang kalayaan ng kanilang mga anak sa korte suprema.
At dahil doon, sumumpa si Mang Domeng na ilalagay niya sa mga kamay niya ang batas at maghihiganti siya.

Oo, at malakas na ebidensya ang pinanghahawakang nilang salita ni Mang Domeng ngunit nakaratay sa hospital ang matanda dahil sa biglang pagka-stroke nito bago pa man mapatay ang mga kaibigan ni Vince.

Kaya't hindi nila maipakulong ito dahil nadedepensahan niya ang sarili. Paano nga naman papatay ang taong para nang lumpo dahil 'di makapaglakad.

At ngayon, heto na si Vince sa kanilang probinsya upang dito na mag-aral, para na rin sa kanyang kaligtasan ang mga ito, kaya't napilit siya ng mga magulang na lumipat na lamang doon.

Mayor ang tatay ni Vince sa Munisipyo nila, kaya't umaasa silang ligtas ang kanilang anak.

Samu't saring ekspresyon ng mukha ng mga estudyante at gurong nakakasalamuha niya.
Hindi niya maintindihan kung 'welcome' ba siya dito o hindi.

Dahil anak siguro siya ng mayor kaya't nahihiya ang lahat sa kanya, o 'di kaya'y alam na nila ang tungkol sa pagkatao at kahayupang ginawa niya, kaya't ganito na lang siya kung iwasan ng lahat.

Mas nababagot tuloy siya sa pagpasok. Mas nais pa rin niyang bumalik sa Maynila, kung saan nandoon ang buhay niya---barkada, club house at babae.

Ngunit dito, ayaw niyang makapanakit ulit o masangkot sa anumang gulo. Binantaan na siya ng paulit-ulit ng kanyang ama, dahil pangalan ng pamilya niya ang nasisira.

BLACK STORIES (Horror Abandoned Places)Where stories live. Discover now