ENCHANTED RESORT

375 11 0
                                    

ENCHANTED RESORTBy Alex Asc

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

ENCHANTED RESORT
By Alex Asc

Ang abandonadong Enchanted Resort ay mala-paraiso sa ganda.

Matatagpuan ito sa may bahaging liblib ng gubat, may napakagandang falls ito na katabi, marikit na batis, at naggagandahang burol sa paligid na siya namang dinarayo ng mga tao.

Kaya naman, si Mr. Danny ay isang mayamang businessman ang nakabili sa may kalawakang lupain, kung saan ay nagpatayo siya roon ng marami, malalaki at magagandang cottage, denevelop niya at mas pinaganda ang lugar.

Naglagay rin siya ng mga restaurant at mga store para sa lahat ng pangangailangan ng mga dayo.

Talaga namang mas lalong dumami ang dayo, pati mga foriegners ay pinapasyalan ang lugar. Naging isa sa mga magagandang tourist spot sa bansa.

Ngunit natigil ang kalakarang ito at napilitang ipasara ni Mr. Danny ang resort dahil sa mga masasamang nilalang na nag-umpisang manakot sa mga dayo.

Mayroong isang malaking puno ng acacia at isa pang medyo may kaliitang puno ng Acacia, medyo may kalapitan sa lugar.

Matagal na panahon nang kinakatakutan iyon ng mga taga roon, kaya naman, ang mga totoong taga roon ay hindi pinupuntahan ang lugar, dahil sa takot na magkasakit.

Nagkakaroon ng sakit ang taong kinagagalitan ng mga engkanto, ngunit wala namang pinapatay ang mga engkanto, dahil wala sa kontrol nila ang mga 'yon, pananakot at paglalagay lamang ng sakit ang kaya nilang gawin.

Tanging mga outsider lamang ang dumadayo palagi sa lugar. Noong una, wala namang nakikialam na mga engkanto sa mga taong pumaparoon at sa pagpapatayo ng resort, ngunit dahil binalak ni Mr. Danny na ipaputol iyon at napagtagumpayan niyang maputol ang isa sa malaking puno, doon na nag simula ang lagim kung saan madaming nagkakasakit na mga tao.

Kinatakutan at pati nga staff ng resort ay nagsi-resign na. Naging usap usapan ang nangyayari roon, kung kaya't nalugi at nawalan ng costumer or mga guest ang resort.

Ipinasara ito ni Mr. Danny at sinusubukang ipagbili ngunit walang bumibili, kaya't ang Danny Resort ay napalitan sa pangalang Enchanted Resort, mula sa mga taong binabanggit ang lugar at nagpasalin-salin ang tawag ng iba't ibang tao.

Tuwang-tuwa si Mr. Kevin nang mapanalunan niya sa casino ang resort ni Mr. Danny.

Ipinusta kasi ito ni Mr. Danny with the worth of 5 Million and 1 million cash, at hindi naman kawalan kay Danny ang naging halaga nito sa pagpusta kasi hindi na niya pinanghihinayangan ang resort, kahit mura, dahil para sa kanya ay kamalasan lang ang dulot niyon.

Si Mr. Kevin naman ay nalulong na rin sa sugal, pero hindi siya bigtime. Sa mga small time lamang siya. Nagkataon lang na sunod-sunod ang panalo niya sa mga pasugalan kaya't nakaipon siya ng malaking pera na ipinusta niya kay Mr. Danny.

BLACK STORIES (Horror Abandoned Places)Where stories live. Discover now