ROOM 11

366 16 0
                                    

ROOM 11By Alex Asc

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

ROOM 11
By Alex Asc


"Magsho-shower lang ako baby, ah," pamamaalam ng isang babae sa katipan nitong lalaki.

Sila ay naka-check inn sa Hotel, sa Room 11. Nag-iisa lang ang hotel na ito sa lugar na iyon, kaya't lahat ng dayo ay dito na tumutuloy.

"Sabunin mo nang sabunin, ah, para mabangong-mabango. Excited na akong tikman 'yan," sagot ng lalaki sa kanyang girlfriend na sinasabayan pa niya ng dila sa labi.

Nag-shower na ang babae at first time nilang gagawin ito ng nobyo, kaya't excited na rin siyang ibigay ang pagkababae nito.

Pero ganoon na lamang ang gimbal ng babae sa kanyang paglabas.

Duguan ang lalaki na nakahiga sa kama at laslas pa ang leeg nito.

Napasigaw sa takot ang babae at tumakbo, pero 'di pa niya nararating ang pintuan nang pag-uundayan siya ng saksak ng isang 'di nakikilalang tao.

Tumakas ang suspek sa krimen.

Ang krimen na iyon ay nasundan nang nasundan hanggang sa kinatakutan na ng lahat ng dayo at mga taga doon. Pati mga staff ng hotel ay hindi maipaliwanag ang misteryosong patayan, pati mga police na walang naka-detect kung sino ba talaga ang may pakana ng lahat, pero ano nga ba ang dahilan niya at ginagawa niya ang lahat ng ito.

Abandonado na ang hotel at inaalok na lang ng may-ari kung may bibili pa ba.

Ako si Rossie, 18 na taong gulang. Morena, matangkad, balingkinitan, at maganda.

Ako na siguro ang pinakamagandang nilalang sa buong kalawakan - este kanayunan namin.

Masayahin akong tao. Dahil sa kagandahang taglay ay pinipilahan, pinagsisilbihan at halos sinasamba na ng mga kalalakihan sa amin.

Pero lahat ng mga lalaki sa baryo namin, wala akong nagustuhan. Hindi sila ang tipo ng puso ko, inaantay ko pa rin ang Prince Charming ko.

'Yung gwapo, matangkad, mabango, maporma, mayaman at malakas. 'Yung nasa kanya na ang lahat.

'Tapos isang araw, may napadpad sa lugar namin, dalawang lalaking mountain climber daw.

Sa laki ba naman ng mga bags nila, halata. Dahil walang matuluyan sa baryo namin, pinatuloy sila ni Tatang. Malaki naman kasi ang bahay namin at may kwartong nakasadya para sa mga bisita.

Inabot na sila ng dilim at delikado nang maglakad sa labas. Naglipana kasi ang mga masasamang hayop, nilalang, lamang-lupa sa lugar namin.

Oo, totoo, parte kasi ng napakalawak na gubat ang lugar namin, at bawat kabahayan sa lugar namin ay malayo ang distansya.

Si Tatang, isa siyang manggagamot o albularyo, siya ang doctor sa nayon namin, kaya nga mabilis siyang pumayag na patuluyin ang dalawang lalaking ito para naman makatulong.

BLACK STORIES (Horror Abandoned Places)Where stories live. Discover now