CURSED OFFICE

352 21 0
                                    

CURSED OFFICEBy Alex Asc

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CURSED OFFICE
By Alex Asc


"Ako ang mahal ni Mariz, ako lang, at hindi ikaw! Hindi ang impostor na katulad mo! Walang hiya ka! Mang-aagaw ka?!" galit na sabi ni Alden sa kapatid na si Aldren.

"Hindi! Ako ang mahal niya! Ikaw ang totoong impostor! Ikaw ang nang-agaw!" sagot naman ni Aldren sa kapatid na si Alden.

---

Saksi ang lahat ng nakakita sa sketch image ni Aldren Espinosa, isang Editor ng isang Publishing Company na siya nga ang nagmumulto sa isang opisina, kaya sigurado na ang Paranormal Detective na si Cedrick na malulutas niya ang misteryong bumabalot sa lugar na ito.

Isinara at ilang buwan ng inabandona ang isang COA Office dahil sa paulit-ulit na pagpapakita ng isang multo.

Kasalukuyang nasa mall ang mag-asawang Mariz at Aldren kasama ng unica iha nilang si Margie. Masayang-masaya si Aldren habang buhat nito sa likuran ang kanyang dalawang taong gulang na anak.

Habang nakasukbit sa kanyang siko ang kamay ng pinakamamahal niyang misis na si Mariz, walang paglagyan ang kaligayahang umaapaw sa kanyang damdamin.

"Mahal na mahal kita, Honey, kayo ng anak ko. Kayo ang buhay ko, sana hindi kayo magbago sa akin," wika ni Aldren sa asawa.

Medyo napakunot-noo naman si Mariz sa inasal ng kanyang asawa, mukhang nagiging weirdo na ito lagi.

"Ano ka ba, hon, hinding-hindi ako magbabago sa 'yo, 'no. Ikaw lang ang pinakamamahal ko, ang Aldren ng buhay ko."

Kahit dalawang taon nang kasal ay kinikilig pa din lagi si Mariz sa ka-sweetan ng asawa.

Hinaplos ni Aldren ang mukha ni Mariz, habang maluha-luha ito sa kadramahan, saka ibinaling ang atensyon sa anak.

"Papa, I love you po. Your the best papa in the world," sambit ng bata habang niyayakap ang papa.

---

"May laman na ang investigation ko sa misteryong bumabalot sa opisina. Ayon sa imbestiga ko, ang computer ang isinumpa, hindi ang opisina. Ang Computer na pag-aari ni Aldren na ibenenta sa 'yo Steve at iniwan mo sa opisinang ito ng iyong kapatid. Maaaring namatay si Aldren habang ginagamit ang computer. Sumumpa siguro siya, kaya siya nagmumulto sa mga taong nakakalapit sa computer", salaysay ni Cedrick.

"Kalokohan! Buhay pa si Aldrin, buhay pa ang kaibigan ko!. Paano siya mamatay, eh, last week kasama ko pa nga siya, eh," tanggi naman ni Steve.

"May miteryo ang lahat, ang nais ni Aldrin ay dalhin sa pamilya niya ang bagay na iyan upang ihayag ang katotohanan sa asawa't anak niya. Steve, hindi ka maniniwala, pero ang kinakasama ng asawa ni Aldrin ay hindi si Aldrin." Napalunok si Steve, ayaw sana niyang maniwala pero lahat ng nakakita sa multo ay nagsaksi na si Aldrin daw iyon.

BLACK STORIES (Horror Abandoned Places)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon