CORPSE AT MANSION

365 16 0
                                    

CORPSE AT MANSIONBy Alex Asc

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

CORPSE AT MANSION
By Alex Asc

"Itutuloy mo ba yung documentary report mo tungkol sa bangkay na hindi naaagnas?" wika sa akin ni Meo ang kaibigan at kasama kong reporter.

"Oo, exciting at nakakamangha ang story tungkol sa lalaking iyon. Mas makakadami ako ng views, at magandang achievement na naman 'to," pahayag ko sa kanya habang magkasama kaming nagco-coffee sa labas lang ng opisina namin.

"Kung ako sa 'yo, 'yung grupo na lang ng mga lalaki na nandadakip ng mga bata ang gawan mo ng report. Kasi talamak na sa bansa natin ang ganyang krimen. Kailangan nang pahigpitin ang paghuli sa mga 'yon," payo sa akin ng kaibigan ko,

"Not interesting! Masyado ng makaluma ang kuwento na 'yan, wala akong mapapala diyan," pagtatanggi ko.

"Oy! Ano'ng wala?! Makakatulong ka pa, kasi balita ko, nakapasok na sila dito sa lugar natin, upang mabigyan mo rin ng babala ang taong bayan. Ano ka, kulay white ang van nila," pabalang niyang sagot sa akin.

"Ikaw na lang ang mag cover niyan," tipid kong sagot.

"Ikaw nga ang dapat kasi may show ka. Ako, sa diyaryo lang na wala naman masyadong nagbabasa. Tingin ko, Reco, 'wag mo na lang kayang ituloy 'yang plano mo! Kasi, pribadong buhay 'yan, baka mapahamak ka pa diyan, eh!" payo niya sa akin.

Ngunit kahit ano pa man ang kontra niya sa akin, hindi niya ako mapipigilan.

Bilang reporter, as a journalist, kapag nakagawa ako ng kahanga-hangang documentary show, mas napapabilib ko ang buong media staff at mga manonood ko.

At ang story ni Leandro, ang matagal nang patay na hindi naaagnas ang katawan ang siyang gagawan ko ng report. Kakaiba kasi, bukod doon, narinig ko sa source ko na tumitibok pa daw ang puso niya, at para lamang daw siyang natutulog.

Amazing talaga, kaya't sobra akong interesado. Wala akong pakialam doon sa sinasabi nila sa akin na gawan ng report ang mga taong involve sa human trafficking.

'Yung nangingidnap ng bata, at ibinibenta ang mga organs ng mga 'yon, walang ka inte-interes, kasi bata pa ako. Laman na 'yan ng balita, parang inuulit-ulit lang.

Ngayon, inaakyat ko ang napakataas na bakod sa mansyon ni Donya Juana, kung saan nakalagak ang katawan ni Leandro ang asawa niya.

Napakalawak talaga ng mansyon. Napakalaki, talaga namang lahat ng bahagi nito ay mamahalin.

"Bakit kaya walang nagnanakaw dito?" sambit ko sa sarili ko.

Sabagay, abandonado pala ang lugar na ito. At ayon sa kanila, kinakatakutan daw ang mansyon na ito, dahil kapag nakapasok ka raw dito, hinding-hindi ka daw makakalabas ng buhay?

"Baka puro lang 'yon kasinungalingan, naniniwala lang ako sa bangkay ni Leandro, at dito ko mapapatunayan kung totoo nga bang hindi naagnas iyon nang hindi nakalagay sa freezer?"

BLACK STORIES (Horror Abandoned Places)Where stories live. Discover now