MULTO SA BAHAY

383 12 0
                                    

MULTO SA BAHAYBy Alex Asc

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

MULTO SA BAHAY
By Alex Asc

Naiiyak si Ron-ron mula sa kanyang paglalayas sa itinuturing niyang ina na si Josephine. Labis-labis na kasi ang pagmamaltrato sa kanya nito.

Hindi niya alam saan siya tutungo, basta kung saan na lang daw siya dalhin ng kanyang mga paa.

Ngunit sa 'di inaasahan, parang may nag-uudyok sa kanya na pasukin ang lugar kung saan siya nakatayo ngayon.

Sa isang luma at abandonadong bahay. Tila wala sa sarili si Ron-ron na nakatayo sa labas ng gate ng may kalakihang bahay.

Luma at wari wala nang naninirahan sa up and down na bahay na ito.

Hating-gabi na ngunit wala siyang katakot-takot na binuksan ang gate nito at pumasok.

Wari wala sa sarili niyang tinatahak ang daan nito kahit ang anyo ng bahay ay nakakarimarim.

May naririnig siyang batang babae na umiiyak. Nag-e-echo ang boses nito sa kapaligiran na wari tinatawag ang pangalan niya.

Ngunit 'di niya alintana 'yon dahil ang totoo, wala talaga siya sa sarili niya.

Sinasaktan siya ng paulit-ulit ng babaeng kinilala niyang tunay na ina.

Ngunit bakit ganoon, sa loob ng ilang taong pangungulila niya sa isang ina at matapos nito makilala ay tila wala man lang itong pagmamahal na ni katiting para sa kanya.

Totoo nga bang si Josephine ang totoong ina niya? Ngunit 'yon ang litratong iniwan sa kanya ng kanyang amang si Albert noong iwanan siya nito.

Mula nang makasama niya ang babaeng iyon ay wala nang ibang ginawa kundi saktan siya, parang ang laki ng galit nito sa kanya, parang ang bigat ng hinanakit nito para ibuntong sa kanya ang lahat.

Si Ronnie o sa palayaw na Ron-ron, 13 years old na at mag-a-apat na buwan na niyang kasama ang itinuring na ina na si Josephine.

Sa una, ipinakita ng babaeng ito na mahal siya, ngunit dahil mura pa rin ang isip ni Ron-ron, naniwala naman siya.

Ang alam niya, darating ang tatay niyang si Albert. Hinihintay lang niya ito sa piling ni Josephine. Mula kasi nang mamatay ang tiyahin niyang nag-alaga sa kanya ay napilitan siyang lumuwas ng siyudad upang hanapin ang tatay.

At natagpuan niya si Josephine, ngunit wala ang tatay niya. Nagtatrabaho raw na seaman iyon ngunit 'inantay niya ito sa piling ni Josephine dahil wala na rin siyang babalikan sa probinsya.

"Bata! Bakit ka umiiyak?" malamig na tinig na nasa likuran niya.

Inilingon ni Ron-ron ang mukha at ganoon na lamang ang kilabot niya sa nasaksihan.

Agad siyang tumakbo pero sinalubong siya ng dalagitang multo.

Maputi at usok na ang katawan nito. Sa tantiya nito'y nasa 12 anyos pa lamang ito.

BLACK STORIES (Horror Abandoned Places)Where stories live. Discover now