ASWANG SA HACIENDA

395 17 0
                                    

ASWANG SA HACIENDABy Alex Asc

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

ASWANG SA HACIENDA
By Alex Asc

Kakarating lang ni James galing Europe. Pagkatapos kasi ng sunod-sunod na lagim sa pamilya niya ay napagdesisyonan niyang bumalik sa Pilipinas upang alamin ang totoong ikinamatay ng mga kuya niya.

Mula sa 'di umano'y biglaang pagkamatay ng ama sa sakit sa puso, dalawang half brother na 'di umano'y winakwak ng aswang o minasaker ng 'di matukoy na nilalang.

Mataman lang niyang pinagmamasdan ang napakalawak na abandonadong hacienda na pag-aari ng kanyang ama. Nasa 6,453 hectarias ang lawak ng nasasakupan ng hacienda. Taniman ito ng iba't ibang pananim tulad ng tubo at pinya.

Ngunit magmula nang mamatay ang senyor, nag-umpisa na ang lagim kung saan sinasabi nilang si Selena na anak ng punong katiwala ang siyang aswang.

Pinamahalaan ni Ronald ang hacienda ngunit pinatay siya ng sinasabi nilang aswang, ganoon din si Roberto kaya't nagsitigilan na lahat ng trabahador at haciendero sa takot na pati sila'y mapaslang ng aswang, nawalan ng nangangalaga ang mga pananim kaya't nangamatay ang mga ito.

Ngayong patay na ang Kuya Ronald at Kuya Roberto ni James ay siya na ang magmamana ng malawak na lupain.

Pagdating ni James sa mala-mansion nilang bahay sa tabi lang ng hacienda ay ipinaghanda na siya agad ng makakain ng Tiya Dorris niya.

Ang saya-saya ng mag-asawang Doris at Bernardo dahil ngayon lang nakauwi ulit si James.

Mula nang mamatay ang ama niya at mga kapatid ay 'di na niya naasikaso ang pag-uwi dahil sa suliraning pinagdadaanan din niya.

Agad namang dumating si Brandon galing sa Maynila, kahit may klase ay agad siyang umuwi para makasama ulit ang pinsan.

"Binabalaan kita, James, mag-iingat ka lagi lalo't si Selena ang siyang aswang," babala ni Dorris.

Naibaba ni James ang paningin. Parang may kung anong tinik sa damdamin niya nang marinig ang babaeng hindi niya makalimot-limotan ay isang aswang!

Napapailing na lang siya sa naiisip.

Ayaw niyang maniwala, pero nais niyang makaharap ang babaeng iyon.

"Hindi na namin alam, insan, kung saan bang lupalop ng mundo nagtatago ang aswang na iyon," sagot ni Brandon.

"Basta, bigla na lamang darating iyan kapag mamimiktima na dahil isinisisi niya sa daddy mo ang pagkamatay ng kanyang ama," salaysay ni Dorris.

Napakunot-noo si James.

"Oo, tinanggal kasi ng daddy mo sa trabaho si Mang Nicholas kaya't hayun, 'di matanggap, nagkasakit at namatay," patuloy ni Dorris sa kwento.

"'Wag kang mag-alala, James, ligtas ka sa piling namin," sabay kasa ni Mang Bernardo ng shotgun niya bilang pagpapakitang-gilas kay James.

BLACK STORIES (Horror Abandoned Places)Where stories live. Discover now