MYSTERY TOWN

449 18 1
                                    

MYSTERY TOWNBy Alex Asc

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

MYSTERY TOWN
By Alex Asc

Nakikipagsiksikan sa Quiapo ang tatlong magkakaibigan na si Ryssah, Miah at Aikah. Araw ng linggo kasi, at kilalang-kilala nila ang pagiging banal ni Aikah. Magsisimba siya sa Quiapo.

Naiinip ng nakatambay si Miah at Ryssah sa labas ng simbahan, habang inaantay si Aikah.

Sobrang tagal kasi niyang nasa loob.

Saglit na umupo si Miah sa harapan ng mga pahulaan kung saan sinundan siya doon ni Ryssah.

"What do you think, Miah? Pahula muna tayo habang inaantay si Aikah?" aya ni Ryssah kay Miah.

"Okay, fine, habang inaantay natin ang babaeng iyon," kaswal nitong sagot.

"Mag-ingat kayo, iha, may kakaibang panganib na nag-aabang sa inyo," kabadong wika ng matanda, habang binabasa ang palad ni Ryssah. Napalunok naman si Ryssah.

"Ano po'ng mangyayari?" tanong ni Ryssah.

"Kamatayan! Kamatayan! Sunod-sunod na kamatayan!" Nahintakutan naman si Ryssah dahil sa pinagsasabi at kakaibang mababanaag sa mukha ng matanda.

Magtatanong pa sana si Ryssah nang hilahin siya ni Miah.

"'Wag ka ngang nagpapaniwala diyan!" iritang wika ni Miah.

Napangiwi naman si Ryssah, pero nagulat siya nang nasa tabi at likuran na niya agad ang matanda na inaabutan siya ng manipis na libro.

"Ano po ito?" takang tanong ni Ryssah, habang hawak na ng kamay niya ang libro.

"Nandiyan ang revelation sa bawat mangyayari sa inyo. Ang kasagutan sa mga miysteryo. Itago mo at kailangan mo 'yan!" pautal-utal na banggit ng matanda dahil nilamon na rin ng takot, saka agad tumalikod ang matanda at binalikan ang puwesto.

Binuklat ni Ryssah at inumpisahang basahin ito.

~~~

THE MYSTERY TOWN!

Nais mo bang tumungo sa isang lugar na punong-puno ng libangan?

Sa lugar na hindi ka mababagot?

Sa lugar kung saan ang kinikimkim ay katumbas ng isinasagawa?

~~~

Nagpatuloy sa pagbabasa si Ryssah, ngunit natigil siya nang hablutin ulit ni Miah ang libro at itinapon sa basurahan.

"Stop it, Ryssah. Don't believe to her. Manloloko at sinungaling 'yon?" iritang wika ni Miah.

Bigla namang dumating sa kanila ang dalawa pa nilang kaibigan na si Ivan at Gwen.

"Sorry, guys. We're late, ah," sambit ni Ivan.

"Then, where is Aikah and... Jake?" tanong naman ni Miah.

BLACK STORIES (Horror Abandoned Places)Where stories live. Discover now