ISLA NI ADONIS

503 22 0
                                    

ISLA NI ADONISBy Alex Asc

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

ISLA NI ADONIS
By Alex Asc

Kasalukuyan kaming nasa biyahe, sakay ng malaking barko.

Biyaheng Cagayan de Oro City from Maynila.

Hindi naman sa nagkukuripot kami kung bakit sa barko kami sumakay. Alam naming mabagal ang usad at hindi pang VIP ang barko, ngunit mas pinili kong sumakay dito, dahil nais kong pagmasdan ang magagandang tanawin sa iba't ibang isla sa Pilipinas.

And who knows, someone whispered me about the island.

Isang abandonadong Isla daw na pinamumugaran ng mga taong paniki?

Bakit abandonada?

Dahil daw sa nagapi sila ng mga taong paniki kaya't nilisan ng mga tao ang isla.

How true is it?

Nakakakilabot naman... 'But there is something to caught my attention.'

Mas naiengganyo tuloy akong pumaroon.

When I heard one guy, name 'Adonis', isang napakaguwapo raw na matipunong lalaki na prinsipe ng mga Islang iyan ang lumalaban sa iba't ibang masasamang nilalang. Ipinagtatanggol daw ng prinsipe Adonis ang lahat ng nangangailangan ng tulong sa lugar na iyon.

Wow, naintriga ako.

Lalo pa nang masilayan ko ang larawan na iyon ng lalaking sinasabi niyang si Adonis.

Napakaguwapo.

Wala pa akong nakikitang ganoon kaguwapong lalaki. Pati sa imagination, 'di siya mahihigitan ni kanino man.

"Ate, alam kong fiction character lamang po ang Adonis na 'yan. Hindi po ako naniniwala," pilit kong pagtatanggi sa kausap ko na babae, gayong ang katotohanan ay mukhang nais kong makilala ang legend na iyon.

'Ang tagapagtanggol ng mga naaapi sa lugar na iyon.

Actually, hindi ko naman kilala ang kaharap na ginang. Tantiya ko ay nasa edad 45 na siya.

Napaka-weird niya kasi naka-black jacket with pair of black long skirt na nakabelo pa. 'Tapos, may black scarf pa sa leeg and black sandals.

Hayysss, halos sa kanya na nakatitig ang lahat.

"Cheska, halika na. Lets take a dinner," aya sa akin ni Mathew, ang boyfriend ko.

Oo, may Boyfriend ako, at siya lamang ang kasama ko. Two years na kaming magkasintahan ni Mathew, and all I can say is, napaka-gentleman niya.

Pareho pa kaming estudyante sa isang university sa Manila.

At ngayon, nais niyang humarap sa mga magulang ko. Nais niyang makilala sila, sa tingin ko, eh, napakaseryoso na sa akin ni Mathew. Sobra niya akong ginagalang. Ni hindi nga niya ako ginalaw, eh, kasi nais niya na iyon ang 'best gift' ko sa kanya sa wedding night namin.

BLACK STORIES (Horror Abandoned Places)Where stories live. Discover now