Three

60.1K 1.1K 81
                                    

Three

Kyla's POV...

Nang sumunod na araw hindi na ako nagpahatid sa papa ko, tanda ko naman na agad ang dadaanan ko papasok sa eskwelahan na papasokan ko. Isa pa sabi din kasi nila Carla at Issay sasabayan nila ako ng pagpasok para hindi na daw ako mabully sa eskwelahan.

Pagdating ko sa may mismong gate nandoon na sila Carla at Issay hinihintay na ako ng mga ito.

"Kyla bilis"sigaw pa ni Carla ng makita ako ng mga ito.

Nagmamadali naman akong tumakbo palapit sa mga ito.

"Ang tagal mo naman, saan ka pa ba rumampa at ang tagal mo"reklamo ni Carla sa akin.

"Ha? Rumampa? Ano iyon?"takang tanong ko na naman sa kaharap.

Napakamot naman sa ulo niya si Carla samantala naman si Issay ay tumawa.

"Sige, Bru salitang bakla pa more"tumatawang sagot ni Issay kay Carla.

Hindi naman na ako kinausap ni Carla at hinila nalang nila ako papasok sa loob ng eskwelahan. Hanggang sa loob ng classroom namin hindi na ako hiniwalayan ng mga ito. magkakatabi na kami sa upuan, hindi pa naman kasi kami inaayos ng adviser namin para sa alphabetical order.

Naging maayos naman ang unang klase namin, konti palang naman ang tinuro sa amin ng mga teacher naming.

"Nagugutom ako, tara sa canteen"aya ni Carla ng matapos ang pangalawang subject namin.

Hindi naman na ako nagreact, narinig ko na dati ang salitang canteen. Isa pa sabi ni Carla nagugutom ito malamang kakain sila doon.

Nagpatianod naman ako sa mga kasama ko, hanggang sa makarating kami sa canteen na sinasabi ni Carla kanina. Madaming estudyante doon na nakaupo at may kanya kanyang ginagawa, may kumakain, nagku-kwentuhan at kung anu-ano pa.

"Anong gusto mo Issay? Libre kita"baling ni Carla kay Issay.

Nakapila na kami ngayon, at namimili na ang mga ito ng kakainin nila.

Nang kami na ang susunod sa pila, sinabi lahat nila Carla at Issay ang bibilin ng mga ito kaya naman ginaya ko ang mga sinabi ng mga ito.

"Miss bayad niyo po"tawag sakin nong nagserve ng kinuha ko.

"Ha?"takang tanong ko.

Anong bayad ang sinasabi nito, may kailangan ba siyang ibigay kapalit ng mga binigay nito. hindi ba ito free?

"Hoy, Kyla. Bayaran mo na"siniko pa ako ni Issay para matawag ang attensyon ko.

Palihim naman akong bumulong kay Issay, nahihiya kasi ako baka mali na naman ang sasabihin ko.

"Anong ibabayad ko?"bulong ko.

"Pera malamang"ganting bulong ni Issay sakin.

"Halla, ano ba ang pera?"nagpapanic na ako sa tanong ko.

"Ako na nga muna"sabad ni Carla.

Nakita kong lumapit ito sa babaeng nagserve ng pagkain namin at may iniabot si Carla na papel na nakita ko na iyon minsan na hawak din ng papa ko noong namili kami ng gamit ko sa school.

Hinila na ako ng mga ito sa pinakadulong lamesa doon.

"Ano ba naman Kyla, ano pa bang hindi mo alam?"naiinis na tanong ni Carla sakin.

Napakamot naman ako sa ulo, maging ako kasi naguguluhan na din. Ganito ba talaga kapag sa labas ka na ng bahay nag-aaral.

"Hindi mo alam na kapag bumili ka dapat may ibabayad kang pera"si Issay naman ang nakausap sa akin.

My Innocent Girl (COMPLETED)Where stories live. Discover now