thirteen

39.8K 941 36
                                    

Thirteen

Marco...

Sa loob ng isang linggo na palagi niyang pinupuntahan si Kyla sa school o sa boarding house nito mas nakikilala niya ito. nagtanong na din siya kay Issay ng tungkol sa kaibigan nito, at binalaan lang siya nito na wag lolokohin si Kyla.

Hindi naman siya nito sinagot na maayos kaya naman pinaimbestigahan niya ang dalaga. Para naman mas makilala niya pa ito ng mabuti, at hanggang ngayon hindi pa binibigay sa kanya ang report ng mga tauhan niya na inutusan.

Naiinip na siya na malaman ang mga gusto niyang malaman tungkol sa dalaga.

Hindi niya makausap ng maayos ang dalaga kasi naman sa umaga susunduin lang niya ito ilang minuto lang ang biyahe nila, hindi pa masyadong nagsasalita ang dalaga. Mukhang nahihiya pa ito sa kanya, tapos sa hapon naman susunduin niya sa school at ihahatid na agad ito sa boarding house. Gaya kapag umaga, hindi din masyadong nagsasalita si Kyla kapag hapon.

Kaya naman binilhan na niya ito ng cellphone kahapon.

Naamaze pa nga siya kasi hindi daw gumagamit ng cellphone ang dalaga kasi hindi ito marunong gumamit.

"Hoy!!!"tawag sa kanya ni Benjamin.

Napa-tsk naman siya sa kaibigan niya, binalik niya ang tingin niya sa cellphone niya.

Kanina pa kasi siyang text ng text sa dalaga hindi pa din ito nagrereply sa kanya.

Naituro ko naman sa kanya kung paano magreply.

Nakakunot ang noo niya habang titig na titig na naman siya sa cellphone niya.

"Shit ka naman Marco, ano yan teenager lang ang drama niyo ni Kyla. Textmate?"kantiyaw sa kanya ni Benjamin.

Silang dalawa lang ang nasa opisina niya. busy ang mga kaibigan niya sa kung anong bagay na kumukuha ng atensyon ng mga ito.

"Tumahimik ka Benjamin"saway niya dito.

Tinawanan naman siya nito ng malakas.

"Tawagan mo na kasi, nagtitipid ka ba ng load? Gusto mo pautangin kita?"dagdag pa nito sa pang-aalaska sa kanya.

"Gago, pautangin ka dyan. Yang kuripot mo na iyan pauutangin mo ako?"ganti naman niya dito.

Muli niyang pinagtuuanan ng pansin ang cellphone niya ng mapansin niyang umilaw ang screen nito.

"Shit!!!"napamura siya sa nabasa niya.

From: MY DARLING KYLA

Hi!...

Nakarecieve na din siya saw akas ng text mula kay Kyla. Kahapon pa lang naman niya naibigay ang cellphone kay Kyla pero pakiramdam niya ilang dekada na siyang naghihintay ng text nito.

"Tangina bro, makareact ka kala mo naman sinagot ka na ni Kyla. Hi lang pala ang text sayo"hindi niya napansin na nasa likod na pala niya si Benjamin at nakikibasa na sa text sa kanya ni Kyla.

"Doon ka nga sa malayo Benj. O kaya naman bumalik ka na sa lungga mo."pagtataboy niya dito.

"Tangina, para kang teenager na kinikilig. Ang panget mo bro"pang-aalaska sa kanya ni Benjamin.

Binato nga niya ito ng kung anong nasawakan niya na bagay sa table niya kasi nakalabas na ito ng pintuan bago pa ito tamaan. Kaya naman nakaiwas ito sa binato niya.

Nang wala na sa paningin niya si Benjamin, binalik niya ang mga mata sa cellphone niya at nagtipa ng message sa dalaga.

To: My Darling Kyla

My Innocent Girl (COMPLETED)Where stories live. Discover now