Four

54.4K 1.1K 48
                                    

Four

Marco...

Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o maawa sa itsura ng kaibigan niyang si Malik.

Naikuwento na kasi nito ang problema nito, may naka one night stand itong virgin.

Well alam nilang mag-kakaibigan ang pangako nito. na 'once he got a virgin titigil na ito sa pagiging playboy'. Pero sa tingin niya hindi pa handa ang kumag para sa seryosong relasyon. They're just 24 years old for fvck's sake.

Kahit naman siya hindi pa din naiisip na magseryoso sa mga ganitong bagay.

Ngayon pa na naeenjoy na niya ang company ni Malik. balak niyang magpayaman kahit papaano bago siya lalagay sa seryosong relasyon. Maybe kapag 30 years old na siya doon siya maghahanap ng babaeng pakakasalan or makakarelasyon lang muna niya.

"Bro, kanina mo pa tinititigan ang sulat na yan"puna niya kay Malik.

Para na kasing baliw ang kaibigan niya sa inaakto nito ngayon.He just answer him a deep sigh. Parang ang laki laki talaga ng problema nito. pero babae lang naman ang pinoproblema nito ngayon.

"Ipahanap mo na kasi. Diba un naman ang rule mo." aniya.

Dalawa lang sila nito sa loob ng opisina nito. Binaba nito sa table ang sulat noong babaeng sinasabi nitong naka one night stand nito at tumayo, nagpunta sa binta ng opisina nito.

Ibang klase din kasi ang babaeng iyon, after ng may nangyari dito at sa kaibigan niyang si Malik nag-iwan pa ng note na kumuha daw ito ng 1000 at ibabalik din kapag nagkapera ito.

Weird pero wala naman siyang say para doon, wala naman kasi siya noong nangyari.

"To be honest bro, Issay lang ang alam ko na pangalan niya. At hindi ko din maalala ang itsura niya."seryosong sagot nito sa kanya.

Tinawanan naman niya ito, alam niyang naiinis na ito ngayon. Ilang araw na din kasi itong inaasar nila Benjamin at Jake, na baka nananaginip nga lang daw ito. at wala naman talaga itong nakasama ng gabi na iyon.

"Mag let go ka na bro, muka namang hindi siya an type mo na babae, nacurious ka lang sa babae na iyon. Come to think of it bro, you just met her at a street pick her up and end up having sex. Kinuhanan ka pa niya ng pera bro. baka bayarang babae yan nagkataon lang talaga na ikaw ang nakauna"advise nalang niya.

Naalala kasi niya ang sinabi nito noong unang ikinuwento nito ang nangyari ng gabi na iyon. Mukha daw itong naluging clown. Iyon ang naging description nito sa dalaga na mas lalo pang naging tampulan ng tukso ng mga kaibigan nila.

"Yeah, I think that too. Siguro nga masyado lang akong nadala sa experience ko sa babaeng ito"sang-ayon naman nito sa sinabi niya.

"Good... Kaya ngayon let just have some fun, walang pasok bukas"nakakalokong inaaya nalang niya ito para makalimot na din.

Tutal Friday naman ngayon kaya pwede silang maglakwatsa na tatlo, isa pa palagi naman talaga silang lumalabas kapag Friday. May bar ng sarili ang kaibigan nilang si Benjamin kaya madalas nandoon sila kapag Friday or daturday night para mag unwind.

Magkakasosyo na silang apat na magkakaibigan. Ang pinakaleader nila si Malik ito naman kasi talaga ang business minded sa kanilang apat kaya ito ang bahala sa lahat pagtungkol sa negosyo. Sila nandoon lang sa opisina, co-owner nito nagtayo na kasi ito ng sarili nitong negosyo at bumukod na sa mga magulang nito kahit pa nga ito din ang nagpapatakbo ng negosyo ng pamilya nito.

"G*go"natatawa sagot nito.

Nag-enjoy naman silang apat ng nasa bar na sila. And as usual may kanya kanya na naman silang kasamang babae na naiuwe sa mga condo nila. Pero hindi niya din nagalaw ang kasama niya ng maiuwe na niya ito, nawalan siya ng mood ng bigla ba naman siyang tanungin kung boyfriend na ba siya nito bago daw may mangyari sa kanila dapat boyfriend na siya nito. kaya naman pinauwi na niya ito bago pa ang lahat.

My Innocent Girl (COMPLETED)Where stories live. Discover now