Six

49.9K 1K 22
                                    

Six

Kyla...

"Your beautiful"puri sa kanya ng binata na kasayaw niya ngayon.

Sasagot sana siya ng bigla nalang silang nakarinig ng parang nagkakagulo sa dance floor kaya naman napalingon siya at hinanap agad niya si Carla na nakita niyang gaya niya may kasayaw din ito katulad niya na kung makakapit sa bewang kala mo tatakas ang mga lalaking ito.

Tatawagin niya sana si Carla ng makita niyang si Issay pala at ang kasama nitong dalawang lalaki ang nagtatalo sa gitna ng dance floor. Nakita pa niya kung paano nanuntok ang isa sa mga ito at natumba naman ang nasutok.

Napasinghap siya sa nakikita niyang kaguluhan, hindi pa kasi siya nakakakita ng ganito sa tanang buhay niya.

"Shhh...its okay"bulong sa kanya ng lalaki sa likod niya.

Naramdaman pa niyang niyakap siya nito mula sa likod.

She feels so safe sa ginawa ng lalaki.

Hindi naman nagtagal ang gulo, may dumating kasing mga lalaki at binitbit ang lalaking nasuntok, samantala naman ang kaibigan nila ay hinila lalaking may hawak dito ngayon sa kung saan na hindi niya alam kung saan dadalin ito.

Nagpanic naman siya ng hindi na niya nakita si Carla. Iniwanan na siya ng mga kaibigan niya dito na mag-isa. Bigla ngang nawala ang tama ng alak sa kanya ng hindi na niya makita ang mga kaibigan niya.

"Hey"tawag sa kanya ng lalaking nakahawak sa kanya sa bewang.

Nilingon niya ito na nagtataka, nawala na din kasi sa isip niya ang lalaking kasayaw niya.

"Saan ka pupunta?"tanong pa nito.

"Hahanapin ko ang mga kaibigan ko"inosenteng sagot naman niya.

Hindi na niya ito hinintay na sumagot pa, basta nalang niya itong iniwanan. Hindi naman niya ito kilala kaya bakit pa niya ito kakausapin. Bigla din kasi niyang naalala ang kabilin bilinan ng mama at papa niya na wag siyang makikipag-usap sa mga hindi niya kilala.

Gusto na nga niyang batukan ang sarili niyang ulo ng nakalimutan niya ang bilin ng mga magulang niya sa kanya.

Ang gwapo naman kasi niya. sabi niya habang abala sa paghahanap sa kaibigan niya.

"Bakla"napalingon siya sa pinanggalingan ng boses na iyon.

Nakita niya ang kaibigan niyang si Carla, may nakasunod ditong lalaki.

"Carla, si Issay kinuha ng lalaki"bungad agad niya sa kaibigan.

"Nakita ko din"sagot nito.

"Babe, come on sayaw pa tayo"singit ng lalaking nakasunod dito.

"Hay, naku mamaya na hahanapin ko lang ang kaibigan namin"sagot naman ni Carla at hinila na siya nito at iniwanan ang lalaking nakasunod dito.

Nagpaikot-ikot sila doon para hanapin si Issay pero hindi nila ito nakita. Nang nagawi sila sa may bandang hagdan aakyat na sana sila ni Carla ng makita nila si Issay napababa at may kasama din itong lalaki.

Anong meron sa gabi na ito at pare-parehas silang may nakatagpong lalaki.

Pinakilala ito ni Issay sa kanila na ito daw ang amo nito na si Malik. tinukso tukso pa nga nila ito pero matigas talaga ang tanggi nito na magboss lang daw ang dalawa.

Gwapo din kasi si Malik, bagay na bagay nga ito sa kaibigan nila na si Issay.

"Hey Bro nawala ka bigla"tawag ng isang lalaki kay Malik.

Binalingan ito ni Malik at kinausap.

"I just talk to Issay and her friends.. by the way ladies, these are my friends...Marco, Jake and Benjamin.. and bro these is Issay's friend Kyla and Carla"pagpapakilala sa kanila ni Malik sa mga kaibigan nito.

My Innocent Girl (COMPLETED)Where stories live. Discover now