Twenty

39.8K 859 79
                                    

Twenty

Kyla...

Naku talaga...

Mamakasapak na talaga siya kung di pa siya makapagtimpi ng kaunti pa. Aba naman wala na bang ibang trabaho si Marco kundi ang sunda siya sa lahat ng pupuntahan niya.

Mula ng pumasok siya sa eskwelahan kulang nalang magpatintero sila ni Marco sa daan. Palaging nakasunod sa kanya ang binata at naiinis na siya ng sobra.

Hindi lang naman ang pagsunod sunod nito sa kanya ang ikinaiinis niya.

Maging ang pakulo nito kinaiinisan na niya.

Gaya ngayon.

Nagtatago kasi siya sa loob ng building nila hindi naman kasi pwede ang out sider doon sa loob kaya hindi nakakapasok doon si Marco.

Pero parang mas nahihiling niya ngayon na sana pwede nalang pumasok doon sa loob si Marco para tahimik itong naghahanap. Hindi ganito na may hawak itong mega phone at inaannounce ang pangalan niya.

"Sa mga nakakakilala kay Kyla Faith Tan ng GT Department. Baka pwedeng pakisabi sa kanya na lumabas na siya sa building kasi lunch nab aka nagugutom na ang darling ko"panawagan nito.

"Darling Kyla, labas ka na dyan please"dagdag pa nito.

Rinig na rinig niya ang lahat dahil nasa malapit lang naman siya.

"Eiii ang gwapo naman niya"

"Ang swerte naman nung Kyla"

"Nakakakilig naman"

"Shit, akin ka nalang fafa"

"Sorry girls, si Kyla Faith Tan lang pwedeng mag-may-ari sakin"nakangiti namang sagot ng loko na nakamega phone pa din.

Naiiling naman siya habang pinagmamasdan ang mga babaeng nasa palgid na nakatunghay kay Marco.

Kinuha niya mula sa bulsa ang face mask niya at ang bullcap na nahiram niya kanina sa isa sa mga kaklase nilang medyo maton kung kumilos.

Ayaw pa din niyang makipag-usap o lumapit man lang kay Marco.

Kailangan niyang ilayo ang traydor niyang puso kay Marco. Baka kasi hindi na niya marendahan ito sa susunod na lumapit na naman siya kay Marco.

Ilang beses na niya itong binasted pero ang kulit kulit pa din.

Nang masiguro na niya ang disguise niya pasimple na siyang naglakad palabas ng building nila. Nakisabay na din siya sa kumpulan ng mga estudyante doon para hindi siya mapansin nito.

"Kyla!!!"tawag ni Marco sa kanya.

Kainis naman bakit ba ang lakas ng pakiramdam ng lalaking ito. hindi niya ito nilingon man lang, patay malisya siyang naglakad pa din palayo sa lugar na iyon.

Baka kasi tineteknikan lang siya ng binata, para mahuli siya nito.

Pero laking pagkamangha niya ng tumayo ito sa harapan niya, kasabay ng malakas na tilian ng mga babae doon sa paligid nila.

"Hindi mo naman kailangan na magdisguise pa kasi kahit takpan mo ang mukha mo kilala ko naman ang hubog ng katawan kahit nakatalikod ka pa"sabi nito habang inaalis nito ang mask niya at bullcap.

Lalong lumakas ang tilian ng mga tao sa paligid nila ng maalis na nito ang mga nakaharang sa mukha niya.

"Hindi naman ako mang-aabala ngayon dinalan lang kita ng pagkain. Ayoko lang kasi ipaabot sa guard baka kasi hindi makaabot sayo"masuyo nitong inaayos ang nagulo niyang buhok.

My Innocent Girl (COMPLETED)Where stories live. Discover now