Five

53.9K 1.1K 18
                                    

Five

Kyla...

Birthday ngayon ni Carla, 18th birthday nito.

Kaysa maghanda ito ng magarbong handaan, hiningi nalang nito ang pera na panghanda sana nito at nagpasyang magcelebrate na mag-isa. Pero syempre kasama sila ni Issay sa celebration nito. pwede ba namang hindi eh bff sila nito, kaya heto sila ngayong dalawa papunta sa bahay nila Issay.

Magkasama na kasi sila ni Carla sa boarding house. Medyo malayo kasi ang university na napili nilang pag-aralan kaya naman nagboarding house sila ni Carla.

Noong una nga ayaw siyang payagan ng mga magulang niya, alam niyo naman over protective sa kanya ang mga ito kaya naman noong unang semester nila nag-uwian talaga siya kaso nakita ng mga magulang niya ang pagud niya kaya naman pinayagan sin siya ng ikalawang semester nila na magboarding house.

"Tao po"sigaw ni Carla sa labas ng pintuan nila Issay.

Matagal na ang huling punta nila dito, naging busy kasi sa school kaya naman nawalan sila ng time ni Carla na bisitahin si Issay. Ang huling pagkikita nila ni Issay noong nakipaghiwalay ito sa nobyo nitong si Tomas.

"Tao po" mas nilakasan pa ni Carla ang pagtawag ng wala pa din lumalabas mula sa loob.

Sa kabilang pinto ang lumabas, ang land lady nila Issay.

"Carla, Kyla. Wala na dyan sila Issay"anito.

Napataas naman ang kilay ni Carla sa narining samantalang napakunot ang noo niya. Saan naman pumunta ang kaibigan nila. Ang alam nila wala naman ibang pwedeng puntahan ang kaibigan nila na si Issay at ang mga kapatid at nanay nito.

"Lumipat na sila, may nagpunta kasi ditong lalaki mga tatlong buwan na yatang nakakaraan. Kinuha silang lahat, binayaran din ang lahat ng utang nila Issay"masayang pahayag pa ng matanda.

"Alam niyo po ba kung saan sila lumipat?"tanong niya sa matanda.

"Ay! oo, sandali at kukunin ko lang ang address nila"napapalakpak pa ang matanda ng maalala ang address nila Issay.

Hindi naman nagtagal ang matanda sa loob ng bahay nito at agad na lumapas dala ang isang maliit na papel.

"Heto, iniwanan talaga iyan ni Issay para naman daw pagbumisita kayo sa kanya alam niyo kung saan siya nandoon"sabi pa ng matanda ng maiabot sa kanila ang papel.

Nang maabot na nila ang papel kung saan nakasulat ang address nila Issay aalis n asana sila ng magsalita ang matanda.

"Naku, mukhang ginamit na ng kaibigan niyo ang ganda niya ngayon. Nakabingwit ng mayaman ang kaibigan niyo"manghang sabi ng matanda.

Nagkatinginan lang naman sila ni Carla, wala silang ideya sa kung sinasabi ng matanda.

"Sige po, punta na po kami."paalam niya.

Hindi na nila hinintay pa ang iba pang sasabihin ng matanda, alam naman kasi nilang tsismosa ang land lady nila Issay kaya baka sumasagap lang ng tsismis ang matanda sa kanila.

"Sino kaya ang sinasabi ni Manang Kiray?"maya-maya'y tanong niya kay Carla ng makasakay na sila ng taxi.

"Hay, naku mamaya malalaman natin kapag nakausap na natin ang baklang iyon. Hindi man lang niya tayo tinawagan o kaya pinuntahan sa school"may bahid ng tampo na sagot sa kanya ni Carla.

Natahimik nalang sila sa buong biyahe nila papunta sa bagong tinitirhan nila Issay.

Pagdating nila doon, ang nanay lang ni Issay ang nadatnat nila doon.

"Mano po 'Nay"pagbibigay galang nila ni Carla sa nanay ni Issay.

"Naku, buti naman at nadalaw kayo"masayang bati naman sa kanila ng ginang.

My Innocent Girl (COMPLETED)Where stories live. Discover now