Twenty-nine

34.2K 793 27
                                    

Twenty-nine

Marco...

It's been two weeks since the last time na lumabas siya sa lungga niya.

Halo-halo ang dahilan niya kung bakit hindi siya lumalabas sa condo niya. pinatay din niya ang cellphone niya para hindi na siya kulitin ng kung sinu-sino. Wala siya sa mood na makipag-usap sa kahit na sino.

Ang nasa isip lang niya kailangan lang niyang magpahupa ng sitwasyon. Magpalamig bago siya sumabak muli sa giyera. Hindi naman siya susuko kay Kyla kahit pa tinanggihan na naman siya nito.

Naiisip din niya ang babaeng nakaone night stand niya noong gabing sobrang nalasing siya. Balak niyang hanapin ang babae para humingi ng tawad sa nagawa niya. naiisip niya kasi ang nararamdaman ng babae, hindi naman kasi biro ang nagawa niyang kasalanan doon.

"Hoy, tulala ka dyan"sita ni Benjamin sa kanya.

Malalim na buntong hininga ang sinagot niya sa kaibigan niya.

Nasanay na yata siyang hindi nagsasalita.

"Tangina magsalita ka naman bro"sita sa kanya na naman ni Benjamin.

"Wala ako sa mood na makipag-usap Benj"walang gana niyang sagot dito.

Magsasalita pa sana si Benjamin ng biglang pumasok sa opisina niya si Malik.

"Marco, anong ginagawa mo dito?"tanong sa kanya agad ni Malik.

Kulang nalang magdikit na ang mga kilay niya sa sobrang pagkunot ng noo niya. Ano ito nasanay na din ang mga kaibigan niya na palagi siyang wala sa opisina kaya nagtatanong na ang mga ito kung bakit siya nandito.

"Hindi ba dapat naghahanap ka na din ngayon?"dugtong pa ni Malik ng hindi siya nagsasalita.

"Anong sinasabi mo?"takang tanong na niya.

"Hindi mo alam? Saan ka ba nagsusu-suot ng nagdaang dalawang linggo? Nawawala sila Kyla at Carla isang linggo na ang nakakaraan"si Benjamin ang sumagot sa tanong niya.

"What?!!"napatayo pa siya sa pagkabigla niya.

"Tumawag si Jake last week na hindi muna siya makakapasok kasi hahanapin niya si Carla kasi nawawala siya. Ang akala naman namin pati ikaw naghahanap na din kasi hindi ka namin macontact, dahil kahit si Kyla wala"paliwanag ni Malik sa kanya.

Nagpalakad lakad siya sa loob ng opisina niya, nag-iisip siya ng pwedeng puntahan ni Kyla kung sakali.

"I don't know na nawawala sila Kyla. Damn it, I shouldn't stay so long in my condo."sisi niya sa sarili niya.

"You should go now, hanapin mo na si Kyla habang maaga pa. wag kang gumaya sakin Marco na hanggang ngayon hinahanap pa si Issay"taboy sa kanya ni Malik.

"Thanks bro"sagot niya at nagmamadaling umalis sa opisina.

Hindi niya alam kung saan siya magsisimula sa paghahanap, naisip niyang tawagan muna si Kyla sa cellphone nito baka sakaling sumagot ito. pero hindi na matawagan ang number nito.

Nagtungo na siya sa bahay ng mga magulang ni Kyla pero maging ang bahay ng mga magulang nito ay sarado na at wala ng tao doon na nakatira. Ang sabi ng mga kapitbahay nito lumipat na ang mga ito noong isang linggo pa, pero hindi alam ng mga ito kung saan lumipat ang mga ito.

Nagtungo din siya sa boarding house kung sakali baka may alam ang mga kaboard mate ng mga dalaga kung saan nagtungo ang mga ito.

"Hello, Jake."tinawagan na niya ang kaibigan.

"Thanks God at tinawagan mo na ako Marco."bungad nito.

"Anong nangyari?"

"Basta nalang nawala si Carla, tinatanong ko sa parents niya hindi daw alam ng mga iyon kung nasaan si Carla basta nalang nagpaalam na maghahanap ng trabaho tapos dala na lahat ng mga damit. Damn bro, tinaguan na ako ni Carla"paliwanag nito.

My Innocent Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon