Twelve

41.4K 927 20
                                    

Twelve

Kyla...

Magpakipot...

Nakakunot ang noo niya habang nasa biyahe siya pauwe sa kanila. Si Marco pa din naman ang naghatid sa kanya. kahit pa kasi pinapaalis ito ni Mang Ador hindi pa din umalis ang binata at hinintay siya nito sa labas ng boarding house nila.

Sumasakit ang ulo niya ngayon sa lahat ng sinabi ng kaibigan niya kanina.

Ang naintindihan lang niya sa lahat ng sinabi nito ay ang 'magpakipot' at 'magpahabol'.

Paano ko gagawin iyon? Tanong niya sa sarili niya.

"Hey, Kyla are you okay?"tanong sa kanya ni Marco.

Nilingon lang niya ito pero hindi niya ito sinagot.

Iyon kasi ang bilin sa kanya ni Carla, sumama siya sa binata para ihatid siya nito pero wag naman daw niyang kakausapin kahit na anong word daw hindi niya pwedeng sabihin.

Kapag nasa bahay na siya, bumababa lang daw siya sa sasakya at wag ng papansinin pa ito at deretso lang na pumasok sa loob ng bahay nila.

Ang weird talaga ni Carla.

Naiisip niya parang kabastusan naman yata ang gagawin niya kay Marco kung ganon ang gagawin niya.

"Kyla, may problema ba tayo?"tanong na naman ni Marco sa kanya.

Naisip niyang umiling bilang sagot dito para naman hindi ito magmukhang nakikipag-usap sa hangin.

Malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya bago niya ibinaling sa labas ng bintana ang kanyang paningin. Pinagmamasdan lang niya ang lahat ng nadadaanan nilang dalawa. dati tuwang tuwa siya sa mga nakikita niyang matataas na building, pero ngayon parang walang appeal sa kanya ang mga ito.

Parang may humahatak sa mga mata niya na tingnan lang si Marco, pero kapag lilingon siya dito parang sinisilaban naman ang mukha niya sa sobrang init kaya napapaiwas siya ng tingin.

"Hey, hindi ako sanay na tahimik ka lang. Kausapin mo naman ako, binilinan ka ba ni Carla na wag akong kausapin?"tanong ni Marco sa kanya.

Nagulat pa siya ng maramdaman niya ang kamay nito na humawak sa kanang kamay niya. para siyang nakuryente sa ginawa nitong paghawak sa kanya.

Naramandaman din kaya niya.

Nang lingunin niya ito napansin niyang hindi na ito nagda-drie at nakahinto sila sa isang tabi. Nakatitig ito sa kanya na para bang nagmamakaawa ang mukha nito sa sobrang lungkot.

"Please, kausapin mo naman ako Kyla"pag-mamakaawa na naman nito.

"Wa-wala naman sinabi sakin si Carla"mahina niyang sagot.

Nmariing napapikit siya sa sinabi niya.

Sorry po Mama at papa, sorry din po Lord nagsisinungaling na ako ngayon. Hingi niya ng paumanhin sa mga ito.

Hindi naman siya nagsisinungaling dati, kasi isa iyon sa kabilin bilinan ng mga magulang niya na wag na wag siyang magsisinungaling sa mga ito.

"Then, why your so quite today?"tanong na naman sa kanya ni Marco.

"Ano, iniisip ko lang ang mga magulang ko"dagdag niyang pagsisinungaling dito.

"I feel nagsisinungaling ka sakin"titig na titig ito sa kanyang mata.

Bigla namang naglikot ang mata niya sa sobrang pagkailang niya sa binata. Hindi niya kayang tumitig sa mga mata nito, nahihiya siya kasi totoo naman ang sinasabi nito. Nagsisinungaling siya.

My Innocent Girl (COMPLETED)Where stories live. Discover now