Chapter One:

18K 290 27
                                    

Love is waiting...

Chapter One:



Nadine's



>>> Flashback<<<



"HOY! ALEX!" 



"ANO BANG SINISIGAW MO DIYAN?!" 



"E! NAGNANAKAW KA NANAMAN!"



"HINDI! HIHIRAMIN KO LANG SANDALI!" sigaw niya pabalik. Loko-loko talaga tong dugyot na to kahit kailan. Siya si Alexis Cruz, ang bestfriend ko. FOREVER AND EVER! Siya na mismo ang nagsabi niyan. Sabi pa nga niya, "Bestfriends dont break, akin ka lang at sayo lang ako." Tamis diba? Yan ang bestfriend ko, akin lang siya ha? 



Kinuha niya na yung sidecar ng kapitbahay namin at dahan-dahan tong pinaandar. "Humabol ka na lang Nadine. Wag ka maingay." bulong niya sapat lang para marinig ko. 



"ALEXIS! NAKO KANG BATA KA!"


 

"WAAAAAH! DALI DALI DALI! SAKAY NA NADINE!" at sabay naming tinakbuhan yung kapitbahay namin. Ganot lang kami, paeasy-easy lang muna. Pinaandar niya ng mabilis yung sidecar, mabilis na mabilis! Pero bakit ganon? Unti-unting bumabagal ang ikot ng mundo ko. Tinignan ko siya, kitang kita ko yung mga ngiti sa labi niya. "WOOOOOOOOOH! Para tayong nasa karwahe Nadine! Ako yung Prinsipe tapos ikaw ang prinsesa KOOOOOOOOOOOO!" tapos pinaandar niya pa mas lalo ng mabilis. 

Siya na yata ang pinadugyot na taong nakilala ko. Utak ipis. Yung buhok niya parang babaan ng helicopter. Yung ilong niyang parang swordfish sa tangos. Yung height niyang pam-poste pero kasing taba naman ni Janet Napoles. Pero mahal ko yan, 

mahal ko siya. ♥ 



Tinigil niya bigla yung sidecar, dahilan para masalubsob ako. "ANO KA BA NAMAN AL-.........ex." napahinto ako kasi napawi lahat lahat ng saya niya. "May problema ba?" pero umiling lang siya. "NAKO! KILALANG KILALA NA KITA!" at tumawa ako ng malakas. "Teka, teka. May joke ako. San nagtratrabaho ang mga isda? SA OFFISH! HAHAHAHAHAHAHAHAHA" pinunasan ko ang luha sa gilid ng mata ko sa sobrang tawa. Nginitian lang niya yung joke ko. "Huuuy, Alex." tapos binunggo ko siya.  



"Aalis ka na diba?" malungkot niyang sabi. Pero bago pa man ako makapagsalita, pumatak na yung luha sa mukha niya. "Umalis ka na. Bilisan mo na bago pa kita mapigilan. Tutal madami naman akong bagong kalaro dito, okay lang! Kahit wala ka." 



"Hoy! Alex at Nadine! Mga bata kayo! Umuwi kayo dun! Bumalik na kayo sa mga bahay niyo! Tanghaling tapat nangbubulabog nanaman kayo!" sigaw samin nung may-ari nung sidecar. Napababa tuloy kami sa sidecar. Kinuha niya yung sidecar tapos inakay papalayo samin. Kami? Wala, tinitignan lang siyang gawin yun. Nung medyo nakalayo-layo na siya....

Love is waiting... (JaDine FanFiction) COMPLETEDМесто, где живут истории. Откройте их для себя