Chapter Twenty Seven:

5.4K 171 8
                                    

Love is waiting...

Chapter Twenty Seven: 

Nadine's 

"Nadine, anong ganap? Bakit yata humihiwalay sila Jasper sa barkada tsaka bakit may bandage ang mukha niya?" tanong saakin ni Annika habang nakadukdok ako sa lamesa. Nasa canteen kami, ginugutom kasi tong si Annika at Cheer e. 

Tumingala ako. Kanina ko parin napapansin na parang ang tamlay ni Jasper, ano bang nangyari? Nagkasakit kaya siya nung umulan? "Hindi ko alam." yun na lang ang sinabi ko at yumuko ulit. 

Hindi pumasok si Alex ngayon, ewan ko. Baka may shooting ulit. Nakapatay ang phone ko kaya di ko nababasa yung mga messages o nakakareceive man lang ng tawag at wala akong balak buksan yun. 

"Gurl, may problem ba?" tanong ni Cheer. Umiling ako kahit nakayuko. Nakakainis, sana hindi na lang ako pumasok. 

"Hi Ate Nadine!" napatingala naman ulit ako. 

"Ako?" 

"Opo! Napanuod po kasi naming magkakaklase yung theater play niyo nung isang araw. Ang galing galing niyo po talaga! Pwede pong magpapicture?" sabi ng isang babaeng mga 4 years ang bata sa akin. Kasama niya yung mga classmates niya. 

"O sige ba. Annika, pwede mo ba kaming kuhanan?" 

"SURE!" kinuha niya naman yung cellphone nung babae. "Okay, 1. 2. 3 say cheese!"

"CHEEEEEEEEEEESE!" 

"Yon! Thank you po ulit Ate, till next time!" at umalis na sila. 

"Uuwi na ko." sabi ko at tumayo na. Sinukbit ko na yung bag ko sa balikat ko. 

"Teka, bakit? Kumain ka oh! Eto, gulay." sabi ni Annika at hinawakan ang kutsarang nasa harapan niya. 

"Ano ka ba naman Annika, wag gulay. Carnivore yang si Nadine." bulong ni Cheer, pero narinig ko. Carnivore? Ano ko, LEON? "Ahhh, Nadine. Sige, masama yata yung pakiramdam mo e." 

 "Salamat ha. Mauna na ako." tumayo na ako at naglakad na papuntang back gate, sinalubong naman ako ni B1 at B2. Dere-deretso akong sumakay ng kotse at pinaandar naman agad yun ni Kuya Matt pagkasakay nina B1 at B2. 

Nasa gilid lang ako ng bintana at naka-pangalumbaba. Bumabalik parin sakin yung scenario na yun, nag cut na yung director pero tuloy parin sila sa ginagawa nila. Ang sakit. 

*beeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeep* 

Nagising naman ako sa katotohanan. "Ano ho yun Kuya Matt?" 

Tinanggal ni Kuya Matt yung seat belt niya at binuksan yung pintuan ng kotse. "E, biglang sumulpot to e." 

Love is waiting... (JaDine FanFiction) COMPLETEDWhere stories live. Discover now