Chapter Thirty Four:

5.2K 166 15
                                    

Love is waiting...

Chapter Thirty Four: 

 A/N: Sobrang napakacute ng mga reactions niyo! Keep them coming! :D 

Nadine's

Nung araw na yun, Valentines Day. Nagulat na lang ako ng nagdatinggan ang mga kaibigan ko at may mga dala silang bulaklak, lobo, party poppers, pagkain, at kung ano-ano pa. Plano daw kasi ni Alex yun. Ika-klaro ko lang sa inyo, hindi na kami pero wala kaming balak ipaalam sa media yon kasi baka pagkaguluhan nanaman. 

Naka 3 weeks ako sa hospital dahil sa di ko alam na dahilan, si Mommy at Daddy lang ang nakakausap ng Doctor. Mas naging maingat sila saakin, siguro dahil nga sa nahihilo ako madalas at dahil kakagaling ko lang sa ospital. Pumasok na ako ng school at winelcome naman nila ako. 

"Oh, okay ka na ba gurl? I mean, nakakahinga ka na ba?" tanong ni Annika sa akin. 

Hindi pa ako makahinga ng maayos, ang hirap kasi na lagi kong nakikita si Alex.

Sa 3 weeks daw na nawala ako, tinapos na daw ni Honey ang term niya sa school, ang mga kailangan niyang gawin at ayusin ay tinapos na niya at umalis na siya. 

"Ok lang." sabi ko kay Annika. Nagexcuse lang ako sa kanya at pumunta ako ng C.R, nakita ko ang sarili ko sa salamin. "Bakit ba mukha akong aswang?" Hindi yung aswang na katulad ni Bella Cullen, as in aswang talaga. URGH. Inayos ko lang yung sarili ko at lumabas na din. Pumila na ako, may practice kasi kami para sa graduation. Konti na lang gra-graduate na kami. 

"Antagal mo naman." sabi ni Cheer. Hindi na lang ako sumagot at umayos na ng pila, ang init pala. Pinaypayan ko ang sarili ko gamit ang panyo ko. 

Bigla namang may nagabot saakin ng isang bote ng tubig, si Alex. "Here, drink it." sabi niya at inilagay sa kamay ko ang tubig at umalis na. 

"Ay? Break na pala ah." bulong saakin ni Annika, inirapan ko lang siya ng pabiro habang iniimon yung binigay sakin ni Alex. Natapos yung practice, 3 hours din yon at pinaglunch na kami. 

"Asan na si B1 at si B2?" tanong ni Annika at Cheer. 

Nagtaka din ako, at umiling na lang sa kanila. "Ewan, pagpunta ko dito wala sila e." simula nung gumising ako kanina at pumasok sa school, si Kuya Matt lang ang kasama ko. Di naman masyadong nagexplain saakin si Mommy at di ko rin naman inisip. 

"Mukhang may kapalit si B1 at si B2..." bulong ni Annika. 

"Ano?" kunot-noong tanong ko sa kanya at may tinuro naman siya saakin gamit ang labi niya, nung napatingin kami sa kanya, umiwas siya ng tingin at parang nagpatay malisya. "Si Alex?" 

"Kanina pa namin napapansin na sumusunod yan e." sabi naman ni Cheer. "Sa tingin mo, bakit?" 

Love is waiting... (JaDine FanFiction) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon