Chapter Fourteen:

7.6K 184 4
                                    

Love is waiting...

Chapter Fourteen:

Nadine's

Its been, 2 days. Two days na akong kinukulit ni Alex, naroon nang papapuntahin niya dito ang driver niya at sasabihing kailangan niya akong makausap at hindi siya makapunta dahil may shoot siya. At two sleepless nights dahil isip ako ng isip.

As expected, umuwi ako ng mas maaga kaysa kayla Annika sa camp. Kinabukasan pa ang uwi nila pero nung gabi ng fiesta, nagpasundo na ako dahil may phone naman ako. Pero ngayon, wala parin akong magawa. Nakaupo lang ako sa pasimano ng balkonahe ko.

*kring kring*

Ay anak ng mother earth! Muntik na akong mahulog! Panira ng momentum.

"Hello?"

(Nadine, please let me visit you atleast. I need to see you.)

"Alex?"

(Please?)

"Asan ka ba?"

(In front of your gate.)

GATE?! Napatingin tuloy ako sa baba. Shax! Totoo nga! Binaba ko na yung phone ko.

"What do you think you're doing?"

Napatingala siya. "I need to talk to you." Hay nako Alexis Cruz, may dugong bughaw ka talaga kahit kailan. Nakita kong unti-unti na siyang nilalapitan ng mga babae at ng mga fans niya sa baba. Tumakbo agad ako at binuksan ang gate, hinila ko siya. Nagsisigawan yung mga tao sa labas.

"Anong ginagawa mo? Nilalagay mo lang ang sarili mo sa pahamak." sermon ko sa kanya.

"Because I wanted to see you."

"Now that you saw me already, you can go home now." sabi ko sa kanya at tinulak siya papuntang back gate.

"Hey, I still want to talk to you. Please please please." sabi niya at hinawakan ang dalawa kong kamay. Inalis ko naman agad iyon.

Pumunta ako sa garden, sinundan naman niya ako. Naupo lang ako sa bench, ganun din naman siya.

"Please don't hate me." sabi niya at niyakap ako.

Inalis ko ang yakap niya. "Okay. Okay. Okay." napangiti ko naman siya. Namiss ko din siya kahit papaano, at sinabi saakin ni Mommy na I should accept my fate. My fate is to tell everything he needs to know. Ipagkakait ko pa ba sa kanya yon?

"Halika, ipagluluto kita." sabi ko at tumayo na. Pumunta ako ng kitchen.

"Really?"

"Uhuh. Anong gusto mo?"

"Gusto ko sana ng adobo and fried rice." sabi niya at naupo lang sa table bar.

Nakaharap ako sa kanya habang nagluluto, magkaharap kasi yung table bar at stove e. Ikot lang ako ng ikot kasi kinukumpleto ko pa yung mga ingredients.

"Nadine, I'm sorry. Seriously, I really am. Hindi ko pinaalam sayo sa simula that I can't remember you anymore." sabi niya.

Umikot-ikot parin ako. "Apology accepted."

"I know you we're going to say that." pagmamayabang niya.

"Ahhhh ganon? So, gusto mo bawian ko?" sabi ko. Pero hindi ko yun gagawin, never. "About nga pala dun sa request mo saakin, I will tell you all I know."

Love is waiting... (JaDine FanFiction) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon