Chapter Twenty Nine:

5.5K 167 4
                                    

Love is waiting...

Chapter Twenty Nine:

Nadine's

"HA!" sigaw ko at nagserve na ng bola. "Yes!" nag-apir kami ni Paul.

"Yon! Good job." sabi niya.

Nandito kami ngayon sa quadrangle, P.E kasi namin pero naiwan kaming dalawa ni Paul dahil tuturuan niya pa ako. Nandito parin naman si B1 at B2, pinaupo ko muna sila sa bench. "Eto, sapuhin mo ha. HA!" at sinerve ko ang bola papunta sa kanya. Nasapo naman niya.

"WAAAAAAAAAAAA!" sigaw ng pamilyar na boses sa di kalayuan. Napatigil tuloy kami ni Paul.

"Ano yun?" tanong ko at binato ang bola palayo. "Halika, puntahan natin." kaya tumakbo agad kami kasa-kasama sila B1 at B2 papunta sa ingay na narinig namin, sa covered court.

O................O

Sinara ni Paul yung pintuan ng covered court. "Ano yu-" nagulat na lang kami sa nakikita namin kaya lumapit kami. Si Alex at si Jasper, nakatayo sila sa gitna ng covered court at magkatinginan. Naguusap at nageespadahan ang mga matutulis na mata nila. Yung mga kamao nila, nakasara at naglalabasan ang mga ugat nila. Tumakbo agad ako sa kanila pero di nila ako tinignan man lang, nagpapatayan na sila sa mga isip nila.

Sumunod naman si Paul sakin. "Anong nangyayari?"

"Hindi ko alam..." sabi ko. "A-Alex." pero hindi niya ako pinansin.

"Ma'am, umalis na ho tayo dito." sabi ni B1 at B2 pero umiling ako.

Lumiwanag naman dahil bumukas ulit ang pinto, lumabas doon si Nile, si Jack, Annika at Cheer. Pumalibot agad sila saamin.

"Alex, Jasper. Anong nangyayari?" tanong ni Jack at pumagitna sa kanila pero hindi rin siya pinansin nila Jasper at Alex.

"Wag na lang kayong mangielam Jack." sabi ni Jasper, finally. "Away namin to."

Tumingin si Alex at Jasper kay Paul. "At sino ka naman?" nangkakagalaiti nilang tanong. Kaya sumama din ang tingin ni Paul.

Jusko mader ert, kahapon si Honey at Annika ang nagaaway. Ngayon, si Alex at Jasper naman. Kanina wala pa si Alex dito sa school e, tapos ngayong kakadating niya lang eto nanaman sila.

"Pwede ba i-explain niyo samin kasi hindi namin kayo maintindihan!" sigaw ni Nile. Halatang pikon na pikon na siya.

Lumapit lang ako sa kanila at tinitigan ko si Alex, nagtaka naman siya. Sunod kong tinitigan si Jasper, nagtataka din siya. Hinila ko siya at lumakad kami.

Love is waiting... (JaDine FanFiction) COMPLETEDWhere stories live. Discover now