Chapter Twenty Five:

5.8K 167 4
                                    

Love is waiting...

Chapter Twenty Five: 

Nadine's 

"Hi anak." sabi ni Mommy at nakipagbeso saakin. 

"Hello Mommy, Daddy."

"We brought donuts sa backstage. Kumain kayo ha?" sabi ni Daddy. "We'll take our sits." at umalis na sila. 

This is the day of the play, kinakabahan ako. Sobra. Well, two hours pa naman bago ang airing. Kaso nga lang, dumating ng maaga sila Mommy, kasi nagday-off silang dalawa ngayon. Bored daw kasi sila sa bahay.

"Nadine, pasok ka na sa dressing room mo." sabi ng direktor ng play namin. Tumango lang ako at pumunta na sa dressing room ko, nakita ko dun yung 7 boxes ng J.CO donuts, eto yung dala nila Mommy. 

"Good, aayusin ko muna make up at buhok mo. Yung costume mo, pinapaayos ko na." sabi ng make-up stylist ko. Pinagprovide ako ni Mommy ng sari-sarili namin hairstylist. Sinimulan niya na akong ayusan, nakikita ko din ang iba na nagpreprepare na. Yung costumes, yung mga girls ang nagtahi. Sobrang gaganda nila.  Hawak-hawak ko ang script ko at binabasa ito habang inaayusan at ang phone ko. Tinitignan ko kung magtetext si Alex, hindi pa siya dumadating. 

Dumating naman si Jasper. "May balita ka na ba sa Prince charming mo?" umiling lang ako. "O sige, we're trying our best to contact him." at umalis na siya. 

Nagaayos na ang iba kong classmate ng stage para mamaya, gaganapin to sa theater ng school namin. May kalakihan siya, for 600 and above persons. Wala kaming prinoblema sa tickets, 5 days pa lang sold out na siya. Open ang school namin ngayobn, meaning pwedeng lumabas at pumasok ang lahat. Pati ang mga press. 

Natapos ng aysin ang make-up ko, which is light lang. Ang buhok ko na nilagyan ng extension, hanggang ground na siya ngayon. At sinuot ko na rin ang gown na tinahi ng mga kaklase ko. Triny ko namang tawagan si Alex, nagriring lang pero ayaw sagutin. 

Dumating naman yung mga press sa dressing room ko, hinayaan ko na sila. 

"Miss Nadine, are you planning to enter showbiz?" 

"Hindi ko ho alam." at ngumiti ako. 

"How does it feel that marami na kayong fans ni Alex?" 

"Talaga ho? Ahmmm flattered." humarang naman si B1 at si B2 at pinalabas na ang mga press. Nakahinga naman ako ng maluwag. Ni-retouch ulit ako nung stylist. 30 minutes na lang, start na ng show.

Pumasok ang kaklaseng director namin mula sa pinto, hindi na maganda ang timpla ng mukha niya. "Pasensya na Nadine, hindi yata dadating si Alex." 

Napabuntong hininga na lang ako pero nginitian ko parin siya. "Ok lang." Baka may shooting sila, o kaya naman napagalitan siya ng director nila o ni Ms. Jackie. Kaya hindi siya nakapunta. Bka nakalimutan siya sa dami niyang ginagawa, hindi okay pero dapat maging okay. 

Love is waiting... (JaDine FanFiction) COMPLETEDWhere stories live. Discover now