Chapter Thirty Six:

5.6K 176 20
                                    

Love is waiting...

Chapter Thirty Six: 

Nadine's 

Nagising na lang ako sa kama ko sa ospital, nakakabit nanaman ang mga cable sa katawan ko. Triny kong tumayo pero hindi ko kaya, masyadong nanghihina ang katawan ko. 

"Hi, do you need anything?" sabi ni Alex. 

Umiling ako. "Ayoko dito." nanghihina din ang boses ko, parang hindi nga ako yung nagsasalita. 

"You need to, kailangan mong gumaling ng mabilis." sabi niya at hinawi ang buhok na nakaharang sa mukha ko. "You're so beautiful...." sabi niya, sobrang sincere. Kahit alam kong nagsisinungaling siya, mukha nga akong aswang e. 

 "Asan sila? Sila Mommy?" tanong ko sa kaya. Simula ng magising ako, siya pa lang ang nakikita ko. 

"They went outside, bumili lang sila ng pagkain." sabi niya. 

"Ayoko dito." pilit ko sa kanya. 

"Sorry, you need to be here-" 

Hinila ko siya at hinalikan ko siya. "Itakas mo ko." 

"W-What?" 

 

"Please, just for this day. Ibabalik mo rin ako. Please, itakas mo ko." sabi ko sa kanya. Ayoko lang dito sa ospital, naiinis, nabubugnot, naiistress, naiinip ako. 

"P-pero....." huminga siya ng malalim. "Sige." 

Napangiti naman ako. Kumuha siya ng jacket at binigay niya sakin, pinagsuot niya ako ng sumbrero at binuhat niya ako paunta sa wheelchair. Tsaka kami dahan dahang lumabas sa ospital. Hindi ko kayang maglakad, masyado akong mahina para gawin yun kaya tinutulak niya lang ako sa wheelchair. Madaming nurse ang nadadanana kami pero hindi kami napapansin, hanggang sa makarating kami ng parking lot. Binuhat niya ulit ako at iniupo sa shotgun seat tsaka niya finold yung wheelchair at sumakay na din. 

 "May mga wish ako..." sabi ko sa kanya habang nagdra-drive siya. Naisipan ko lang na bago ako mawala, gawin ko muna yung mga yun.

"Tell me." 

"Una, makasakay sa hot air balloon... Pangalawa, star gazing... Pangatlo,-"  natigilan ako. Pero kailangan ko din to para pag wala na ako, atleast nagawa ko naman lahat ng gusto ko. "Pangatlo, gusto ko kasama kita." 

"Really? Let's go." sabi niya agad at pinihit ang manibela. Bihira ka lang makakita ng taong gagawin lahat para sayo so never take him/her for granted. Love is giving and taking. "It's our graduation day today..." 

Nawala sa isip ko. "Ahhh, so grumagraduate na pala sila." 

Nakita ko ang sarili ko sa side mirror, mas mukha akong aswang ngayon. Pumunta kami sa isang hot-air balloon outlet sa Clark. Nagbayad si alex para makasakay kami, buti naman kasya ang wheel chair. Yung simpleng hot-air balloon lang ang sinakyan namin, yellow yung balloon niya. 

Sobrang sarap sa feeling. Pumikit lang ako at fineel ko yung hangin, lahat-lahat. Naramdaman ko namang may humalik sa pisngi ko kaya napadilat ako. "Alex?" pero nginitian niya lang ako kaya ngumiti na lang din ako pabalik. May inabot siya saking envelope, kinuha ko ito. Nakasulat doon, "To the love of my life." 

Binuksan ko yon tapos may nakatuping papel sa loob, medyo hinahangin pa nga kasi nasa ere pa kami, binuksan ko yung papel. 

Dear Nadine, 

It's hard, it's painful, but I'm here just in case you can't handle it anymore. After the day that I lost you - the day that you broke up with me and left me hangin with my suit on - had been a really tough days for me and you. It's not easy and will never be, but I'm telling you that everything is okay. I want you to remember that I'm always here to be your hero, protector, brother, boyfriend, bestfriend and your everything. I'm not saying this because I'm guilty, I'm saying this because it's true. Tomorrow, the next day, the next month, the next year, I'll wake up and it's still you. Be brave with your life because you make my heart so so so so happy. I have so much of you in my heart. I love you to the moon but further. 

Love, 

Alex

Tumulo ang luha ko sa pagpikit ko pagkatapos kong basahin yung sulat. Tears of joy. Nagtatatalon-talon ang puso ko sa galak, yung isip ko, blangko.

I am almost never sure about what I don't want, but I am sure that Alex is the one that I want. 

Love is waiting... (JaDine FanFiction) COMPLETEDWhere stories live. Discover now