Chapter Twenty Three:

6.2K 184 11
                                    

Love is waiting...

Chapter Twenty Three: 

 A/N: Hello sa inyong lahat! sobrang nakakatuwa yung mga comments niyo at sobra niyo akong naiinspire, keep it coming! Usap-usap tayo. 10k na tayo! HIHIHI! ;) By the way, this is dedicated to you @CookieOverloaaaad  maraming maraming salamat! :* 

Nadine's 

Bumalik na si Alex sa shooting nila sa movie nila. Ako naman, ganon parin. 

"Andiyan na siya, andiyan na." bulung-bulungan pagkababa ng bintana ng kotse namin. Nagpahatid kasi ako sa driver hindi katulad dati na taxi o lakad lakad lang. 

"Kuya Matt, thank you po." sabi ko sa driver at bumaba na ako. Hindi pa tumutungtong ang paa ko sa lupa, naglapitan na agad ang mga taong may dalang mic at yung iba may dalang naglalakihang camera. 

"Totoo bang kayo ni Alexis Cruz?"

"Balita namin, dito siya nagaaral." 

"Asan na siya?" 

"Kailan ba naging kayo?" 

"Miss, miss, miss." nagkakagulo silang naglalapitan at nagtutlakan makalapit lang sa direksyon ko. 

"Excuse me lang po." sabi ni Kuya Matt at bumama ng kotse. Hinarangan niya ako sa mga press. "Excuse. Hindi ho siya sumasagot sa mga ganyan." sabi pa niya. 

Lumalakad ako ng paunti-uti habang hinaharangan niya ako. Dumating naman yung mga guard ng school namin, kilala ko sila sa mukha. Hinarangan din nila ako at tinulungan si Kuya Matt. Nagfla-flash parin yung mga cameras kaya yumuko ako habang naglalakad. Hindi pa man ako nakakapasok sa gate ng school at nasa parking pa lang ako, pagod na pagod na ako at pawis na pawis. 

"Miss, sagutin nyio po ang mga katanungan namin."

"Nadine Amante, may balak ka bang pumasok sa showbiz?"

"Kamusta na po ang estado ninyo ni Alexis Cruz?" 

"Pasensya na ho." sabi ko sa kanila at tuluyan ng nakapasok sa gate ng school, pinagsarhan naman agad sila ng mga guard. 

"Okay ka lang ba Nadine?" tanong ni Kuya Matt. 

"Okay lang ho." sabi ko. 

"Sige, mauuna na ako. Babalik na lang ako ng six, at bilin ni Sir Alex, wag ka daw aalis." sabi pa niya at umalis na. 

Nilapitan ko naman si Kuya Gurad. "Kuya, salamat ho." 

"Walang anuman Ms. Amante, pasok ka na sa klase mo." sabi niya. 

Umalis na ako at naglakad na. Pinagtitinginan naman ako ng mga taong nakakasalubong ko. Kung dati, tinatarayan nila ako, ngayon nginingitian na nila. Kaya nginingitian ko din sila pabalik .

Love is waiting... (JaDine FanFiction) COMPLETEDDonde viven las historias. Descúbrelo ahora