Chapter Twenty One:

6.3K 195 19
                                    

Love is waiting...

Chapter Twenty One: 

Nadine's

"Hindi, ok lang." sabi ko kay Alex na kausap ko sa telepono. Sinabi ko sa kanya na wag niya na akong sunduin kasi kasama ko naman tong sina Annika at Cheer. Ayaw niya e, sumabay na lang daw sila. Kaso medyon nahiya - weh?- din naman ako. Pumayag din naman. Binaba ko na ang phone ko. "Oh, pumayag siya." 

"YES!" sigaw nila Annika at Cheer. 

"Halika na." sabi ko sa kanila. Mas mabuting mauna na kami sa mall show niya kaysa maunahan kami ng mga fangirls niya at madaganan pa kami diba? 

Hinila nila ako. "Wait!" sabi nilang dalawa. 

"Bakit?" 

"Alam ko namang maganda ka ng tunay Nadine..." sabi ni Annika. 

"Pero swempre, dapat ikaw ang pinaka maganda doon!" sabi naman ni Cheer. 

Nagsuot lang kasi ako ng laced crop top and black pants  then doll shoes, yun lang. Ok naman siya e. "Okay na to." sabi ko. 

"Pambahay mo lang yan Nadine, wag mo akong pinaglololoko." sabi ni Annika sa di maipintang mukha.

Oo nga, parang pambahay ko na din to. "Anong gusto mo? Mag-gown ako?" 

"Akong bahala." sabi ni Annika tapos kumuha sila sa likod ng sofa ng mga paper bags. Nandito kasi kami sa sala ng bahay namin. Pinagbubuklat nila yung mga paper bags ni Cheer tsaka pinaglalalabas nila yung mga gamit. Naglabas sila ng isang Aztec dress tapos isang black cardigan tapos isang doll shoes designed with likely diamonds. "Yan!" 

O................O "Sigurado kayo?" 

"Yup! O, punta na sa banyo." sabi ni Cheer at tinulak ko sa banyo. 

Humawak ako sa upuan para di nila ako matulak pero natulak din nila ako at hinarangan nila ang pinto ng banyo para di ako makalabas. "URGH." at dahil wala akong choice, sinuot ko na yung mga binigay nila sa akin. Tsaka lang nila ako pinalabas. 

"WOW!" 

"OMG." reaction nilang dalawa. 

Umikot ako sa harap nila. "Halika na?" 

"Lets go!" 

Nagtaxi lang kami papuntang mall, at gaya nga ng inaasahan. Maaga nga kami kaya namasyal muna kami, pinagtitinginan yata kami. 

Love is waiting... (JaDine FanFiction) COMPLETEDWhere stories live. Discover now