Chapter 4

948 35 21
                                    


Habang nagbi-byahe sila Ruru papuntang Batangas gamit ang kotse niya tinanong siya ni Enrique.

"Kuya Ruru, paano nga pala tayo makakapasok sa resort na pupuntahan natin kung wala tayong membership pass? You said that is private beach. So, kung wala tayong membership pass hindi tayo pwedeng pumasok." Tanong ni Enrique.

"Don't worry, I already called my dad para tanungin si Tita Lorna na kung pwede tayong pumasok sa resort. At pumayag naman siya." Sagot ni Ruru.

"Ah, ganun ba? Mabuti naman kung ganun. Namiss ko tuloy si Tita Lorna, kamusta na kaya siya? Matagal ko na kasi siyang hindi nakikita." Sabi ni Enrique habang nakatingin sa labas.

"Sigurado ako ayos lang si Tita, alam mo naman si Tita masyadong masigla sapul pa nung high school pa tayo." Sagot ni Ruru.

Samantalang si Carlo naman ay binuksan niya ang radio at narinig nila ang kanta ni Liza Ramirez about sa bagong phone ng Samsung.

Every day we work hard
Every day we are the stars
We make sure everything's fine.
And when the sun goes down, it's time

To capture the night
To let go all the things and just fly
Capture the night
To get all that we deserve, it's time

Nabighani si Enrique sa boses ni Liza, maging sila Ruru at Carlo rin.

"Napakaganda talaga ng boses ni Liza Ramirez, sana balang araw ay makita ko siya ng personalan." Nakangiting sabi ni Enrique.

"Why not? Pareho kayong IT student and also nag-i-intern ka sa Samsung company, malay mo one of this days magtagpo kayo dahil siya ang isa sa mga endorsement ng Samsung." Carlo said.

"Sana nga Kuya Carlo... Sana nga," Napahinga ng malalim si Enrique.

Tiningnan naman ni Ruru ang pinsan niya mula sa rear view mirror, at nakikita niya sa muka na ngumingiti ito na parang may gusto ito kay Liza.

"Quen, magtapat ka nga.... May gusto ka kay Liza noh?" Panunukso ni Ruru. Nawala naman ang ngiti ni Enrique at tumingin muli sa labas.

 "Wag mo ng ipagkaila sa amin Quen, kitang kita sa muka mo na may gusto ka kay Liza." Panunukso muli ni Ruru.

"At isa pa, the way you talk about her ay parang sumisigla ka lalo. Aminin mo na kasi..." Natatawang sabi ni Carlo.

"Oo.... May gusto nga ako.... Masaya na kayo...." Nagbu-blush na sabi ni Enrique.

Natatawa na lamang sina Ruru at Carlo sa panunukso nila kay Enrique.

Capture the night
Capture the night
Capture the night
Capture the night!

*

*

*

*

*

*

*

*

*

*

Sa wakas nakarating na rin sila Kylie, Sanya at Liza sa resort ng Lola Lorna ni Kylie. Pumunta sila sa receptionist.

"Good morning, what can I do for you miss?" The receptionist woman asked.

"Uhm... We're here for booking a room under Mrs. Lorna Perez." Kylie said. Tiningnan naman ng receptionist sa computer kung naka-list sila under Mrs. Perez name.

You're Mine and I'm YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon