Chapter 7

1.5K 35 23
                                    


Makalipas ng apat na araw ay nag-i-impake na sila ng kanilang mga gamit para makauwi na sa Manila. During those four days lahat ng mga pwedeng nilang gawin sa resort ay nagawa na nila gaya ng jet ski, banana boat ride, scuba diving, speed boat at nagbonfire rin sila.

Nakilala na rin nila ang isa't isa dahil sa tuwing nagbo-bonding sila sa gabi ay nagsisialaman kung ano ang kanilang mga hilig at di-hilig.

Lalabas na sana sila ng hotel room nang biglang nagring ang phone ni Ruru.

"Yes? Okay.... Sige po.... Pupunta na po ako dyan." Ang natatanging nasasambit ni Ruru dahil hindi naman nila naririnig kung anong sinasabi ng kausap ni Ruru sa kabilang linya. 

Nung binaba na ni Ruru ang kanyang phone ay agad nagtanong sila Kylie kung anong pinagusapan nila dahil nakita nilang bumuntong hininga si Ruru.

"Ky.... Pwede mo ba akong samahan? May pupuntahan lang tayo, kung pwede sayo..." Tanong ni Ruru kay Kylie.

"Oo naman. Pero saan tayo pupunta?"

"Sa isa ko pang part time job. Meron lang akong aayusin doon. Pagkatapos nun ay pwede na kitang iuwi sa inyo," Sagot ni Ruru. Tumango na lamang si Kylie at kumunot ang kanyang noo dahil nag-iisip siya kung ano ang isa pang part job ni Ruru gayong nagpa-part time job siya sa isang bar.

"Sanya, ikaw na lang muna bahala kanila Carlo at Enrique." Sambit ni Ruru kay Sanya.

"Okay...." Nagthumbs up si Sanya saka sila bumaba ng hotel at pumunta ng parking lot.

*

*

*

*

*

*

*

*

*

*

Kanina pa naghihintay sa kotse si Jake sa kaibigan niyang si Aj. Bumukas ang pinto ng passenger seat at nakita niya na si Aj yun.

Papasok na sana sa passenger seat si Aj nang biglang may dumaan na kotse sa kanyang kanan at parang nakita niya si Kylie na nakasakay doon. Sinundan niya ito ng tingin at nakita niyang lalaki ang nasa driver seat kaya nagkibit balikat na lamang siya. 

Mukang imahinasyon lang na nakita niya si Kylie doon sa kotse kasama ang isang lalaki... Napaka-imposible naman na mangyari yun dahil alam niyang mahal pa siya ni Kylie kaya gagawin niya talaga ang lahat maibalik lang si Kylie sa kanya.

*

*

*

*

*

*

*

*

*

*

Habang nagbi-biyahe nagtataka si Kylie kung bakit nakikita niya sa muka ni Ruru na parang excited ito gayong sa part time job ni Ruru lang naman sila pupunta.

When the car stopped she looked up at the building shocked.

"An indoor ski slope? Anong ginagawa natin dito Ru?" She asked while looking at it nervously. Tumawa lang ito at bumaba ng kotse, walking round and opening her door for her before heading to the trunk.

Kinuha ni Ruru ang dalawang thick black fleece sweater at binigay ang isa kay Kylie. Nagtataka naman si Kylie kung bakit meron si Ruru nito sa kotse eh kakagaling lamang nila ng beach.

You're Mine and I'm YoursWhere stories live. Discover now