Chapter 6

1K 32 19
                                    


Two and a half hour has passed since Sanya and Carlo went to the basement kung saan nandoon yung grocery.  Naisipan nila Ruru at Kylie na sundan na ang mga ito nang biglang bumukas ang pinto at nandoon sila Sanya at Carlo dala dala ang mga binili nila.

"Finally! Nandito na rin kayo...." Sabi ni Kylie saka nila tinulungan sina Sanya at Carlo ipasok ang mga bilihin sa kusina.

"Ang hirap kaya mamili lalo na't hindi mo alam kung ano ang mga bibilhin." Pagtataray ni Sanya.

Nung nailagay na nila sa kitchen ang mga bilihin ay tiningnan nila kung ano ang mga binili nila Sanya. Nakita nila na may junk foods like Nachos with dip cheese, Ruffles, Piattos, V-Cut, Potato Chips at iba pa, nakita rin nila na may San Mig Light and liquor. Pero mayroon rin namang mga bread, eggs, bacon and pancake box. Meron ring apples and lemons and also a gallon of double dutch ice cream.

"Talagang pinag-isipan niyong mabuti kung ano ang mga bibilhin bes ha.... Sakto na toh sa atin hanggang Thursday." Manghang sabi ni Kylie.

"At may binili pa kayong liquor..." Natatawang napapailing na sabi ni Ruru.

"Aba syempre naman noh para may libangan tayo pag gabi. Gusto niyo simulan na natin mamaya." Sambit ni Sanya.

"Game kami dyan diba bro..." Sagot ni Carlo at tiningnan niya si Ruru.

Sumang-ayon naman si Ruru pati na rin si Enrique, si Liza naman ay parang hindi makaimik at nakita naman toh nila Kylie at Sanya.

"Liz.... San Mig Light na lang sayo kung ayaw mo ng liquor. Alam naman namin na hindi ka masyadong umiinom." Sabi ni Kylie kay Liza, tumango na lamang ito.

Nang matapos na nilang ayusin ang mga bilihin nakita nila sa orasan na 6:30 na pala, kaya nagbihis sila ng medyo formal ang dating dahil nakapagdesisyon sila na kumain sa hotel restaurant.

*

*

*

*

*

*

*

*

*

*

Sa isang bar malapit sa Batangas resort nagpapakalasing ang isang lalaki at tinitingnan ang photo nila ni Kylie sa kanyang phone.

"Huy Aj, tama na nga yan. Ilang araw ka ng naglalasing, baka kung ano na mangyari sayo." Pag-alala ng kanyang kaibigan na si Jake.

"Pwede ba.... Wag mo nga.... Akong pakialaman.... Kung gusto kong.... Magpakalasing... Yun ang masusunod..." Pautal utal na sabi ni Aj, makikita ito sa kilos at salita na sobrang lasing na ito.

Tiningnan ni Jake kung ano ang tinitingnan ni Aj sa phone at yun ay ang photo nila ng dating nobya niyang si Kylie, napailing na lamang siya.

"Ikaw naman kasi eh, nagpahuli ka na nambabae ka kaya ayan iniwan ka ni K...." Hindi na naituloy ni Jake ang kanyang sinasabi nang tiningnan siya ng masama ni Aj. Naghands -up na lamang siya at iniwan ito sa bar station.

Tiningnan ni Aj muli ang photo nila, "Ipinapangako ko sayo... Na gagawin ko ang lahat... Bumalik ka lang sa akin Ky... Kahit ano man ang mangyari... Mapapasaakin ka muli... at kapag naibalik na kita sa akin ay hindi na kita... papakawalan pa." Mahinang sabi niya saka niya hinalikan ang kanyang phone. 

*

*

*

*

You're Mine and I'm YoursWhere stories live. Discover now