Chapter 9

1K 24 7
                                    


"Anong nangyayari dito?"

Tumingin ang dalawa sa likod ni Aj kung sino ang nagsalita.

"Ma'am Sanya buti nakabalik na po kayo. Si Sir po kasi hinahanap si Ma'am Kylie." Sambit ni Rosetta habang papalapit sa kanila si Sanya.

Nagulat ng konti si Sanya nang makita niya ang gag*ng ex ni Kylie ngunit hindi niya ito pinahalata.

"Sige na Rosetta pumasok ka na sa loob, ako na ang bahala dito." Seryosong sambit ni Sanya habang nakatingin kay Aj na pagalit.

"Sige po ma'am." Huling sabi ni Rosetta bago pumasok sa loob leaving the gate open in case na papasok rin si Sanya sa loob.

"Ano bang ginagawa mo dito?" Tanong ni Sanya habang nakakunot ang kanyang noo.

"Gusto kong makausap si Kylie, alam kong kasama mo siya kaya iharap mo na siya sa akin."

"Bakit mo gustong kausapin si Kylie? Atsaka alam ko at alam mo na ayaw na niyang makipagkita pa sayo hindi ba..." Pang-aasar na sabi ni Sanya.

"Wala akong panahon makipagbiruan sayo Sanya, kaya ilabas mo na si Kylie, gusto kong makipagusap sa kanya ng sarinlan." Aj said seriously.

"Wala... Kahapon ko pa siya hindi kasama magmula nung nakauwi kami kahapon. Kasama na yata niya ang magiging meant to be niya." Sanya smirked.

Lalong uminit naman ang dugo ni Aj. "Ako ang meant to be ni Kylie dahil ako lamang ang naging boyfriend niya since two years ago. Atsaka paano naman magiging meant to be ni Kylie ang lalaking ibig mong sambitin if meron man eh wala naman silang history. And I also know that she still loves me so back it off now."

"Tsk tsk tsk.... Aj, Kylie's not in love with you anymore the moment you cheated on her. Ikaw ang may kasalanan kung bakit nawala na sayo si Kylie kaya pwede ba umalis ka na at wag ka ng magpapakita pa... O baka gusto mo magpapatawag ako ng police..."

Wala ng nagawa si Aj kung hindi sumunod na lang muna sa ngayon, "Sabihin mo kay Kylie na babawiin ko siya ano man ang mangyari. Hindi ako titigil hangga't hindi siya bumabalik sa piling ko, tandaan mo yan." Pagalit na sabi ni Aj saka lumakad pabalik sa kanyang kotse. He climbed in his car and slammed the door so hard that Sanya was surprised it didn't smash the glass and then he sped of like a maniac.

Napailing na lamang si Sanya at pumasok na sa loob ng bahay ni Kylie. As soon as she's inside, pumunta siya sa may swimming pool area at kinuha ang kanyang phone para tawagan si Kylie.

 As soon as she's inside, pumunta siya sa may swimming pool area at kinuha ang kanyang phone para tawagan si Kylie

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Habang tinatawagan niya ito ay lumapit si Rosetta sa kanya, "Ma'am, juice po baka gusto niyo...." Inilagay niya ito sa lamesa malapit sa pool area.

"Salamat Rosetta..." Sabi ni Sanya. Nakakailang tawag na siya ngunit hindi sumasagot si Kylie kaya ininom muna niya ang juice.

"Ma'am Sanya... Pwede po bang magtanong... Diba si Sir Aj po yung lalaki kanina?" Tanong ni Rosetta.

"Oo... Bakit, may problema ba? May nagawa ba siyang hindi maganda sayo?" Tanong ni Sanya na may pagalala.

You're Mine and I'm YoursWhere stories live. Discover now