Chapter 13

517 17 0
                                    


"Paano ba yan? Walang nanalo sa atin." Sambit ni Carlo nang papunta na sila sa parking lot. Malalim na ang gabi at marami-rami ring naglalakad kasama nila pabalik sa parking lot.

Huminga ng malalim si Sanya at sinabing "Well I'll accept this, even though the game was unclear, you are the winner here Carlo. Hindi ang mandaraya na yun ang totoong nanalo. It's you. Congrats, babe."

Napangiti naman si Carlo. "Hindi lang naman ako yung magaling eh. Ikaw rin kaya, ang galing ng ginawa mo nung ginamit mo ung pin na ginamit rin against sayo. That was awesome."

Sanya smirked. And then they complimented each other.

'Itong dalawang toh.... Kanina nagbabangayan, ngayon naman pinupuri ang isa't isa. Hay naku...' Liza and Enrique thought to themselves.

Si Ruru naman panay tingin kay Kylie na may pag-aalala sa mukha.

"Ky...." Ruru said.

Narinig ito ni Kylie ngunit hindi siya lumingon, instead she made a decision and walked towards Sanya na papasok na sana sa kotse nito.

"San... Can I have a word please?" Kylie said. Binasa ni Sanya ang mukha ni Kylie at parang alam niya na may gumagambala sa isip ng best friend niya.

"Sure." Sanya replied. Lumayo sila konti sa apat.

Na-curious sila Liza kung anong pinag-uusapan ng dalawa. Nakita nila na habang nagsasalita si Kylie gulat at naningkit ang mga mata ni Sanya at parang nainis bigla.

"Ano kaya pinag-uusapan nila? Bakit parang nagagalit si Sanya sa mga sinasabi ni Kylie?" Liza asked to herself, worrying for her best friends.

"Let's just wait and ask them later Liz. I'm sure sasabihin naman siguro sa atin yan or kundi man sa amin sa iyo...." Enrique reassured for Liza.

Natuwa naman si Liza at tumingin siya kay Enrique. Nakatingin na pala ito sa kanya at ngumiti ito, napangiti na rin siya. Nagtitigan ang dalawa na para bang silang dalawa lang ang nasa mundo.

Samantalang si Ruru ay hindi mapakali pero hindi niya ito pinahahalata sa iba. Nag-aalala na siya para kay Kylie. Tumingin siya pabalik sa arena, 'Ano kaya ang nakita ni Ky, bakit bigla siyang nanginig na para bang natakot?' Sambit nito sa kanyang sarili at nag-isip.

'Wait, biglang nanginig si Kylie nun nung tumingin ito sa lalaking mandaraya... Sino ang lalaking yun, bakit ganun ang epekto nito sa kanyang reyna.' He thought.

'Reyna? Bakit ko ba naisip yun bigla? Hay naku Ru, kung ano ano ang iniisip mo...' He thought again and then he sighed. Nang may biglang tumapik sa kanyang balikat.

"Are you okay bro?" Carlo asked.

"Yeah... May iniisip lamang ako." Ruru replied.

May sasabihin sana si Carlo sa kanyang best friend ngunit nakita nilang pabalik na ang dalawa.

"Ruru, pwede mo bang ihatid si Kylie sa bahay niya? Kami na ni Carlo ang bahala kina Liza at Enrique... If you don't mind...." Seryosong sambit ni Sanya.

"Oo naman, walang problema sa akin." Ruru replied atsaka siya lumapit kay Kylie at inalalayan ito papunta sa kotse niya dahil hindi pa rin ito kumakalma sa panginginig.

Nag-alala naman ang tatlo lalo na si Liza.

Nung umalis na sina Ruru at Kylie gamit ang kotse ni Ruru, pumasok na sa kotse ang apat. Habang nasa byahe, tahimik sila, walang nagsasalita. Ngunit binasag ni Liza ang katahimikan.

"San... What's that about? What happened back there?" Liza asked.

"No need to worry. I'm sure Ruru will comfort her." Sanya said with confidence. Naiinis rin siya dahil hindi siya makapaniwala na napakalapit ng ex ni Kylie sa kanila kanina. Mabuti na lamang at hindi nito sila napapansin kundi, that man will make a scene again. But she did not expect na kayang mandaya ng Aj na yun. Lalo lang siyang nawalan ng respeto sa lalaking yun dahil sa pinakita nitong ugali. Pero ang pinakanakapagtataka ay kailan pa naging racer si Aj, ni wala naman itong interest sa racing according to what Kylie told her.

You're Mine and I'm YoursWhere stories live. Discover now